Balita

Nagising at natauhan na si PDU30

- Bert de Guzman

SApagkamat­ay ni Kian Loyd delos Santos, parang nagising at natauhan na rin si President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) tungkol sa bangis ng kanyang giyera sa droga na kahit ang mga inosente at hindi lumalabang suspected drugs pushers at users ay pinagbabar­il sa katwirang NANLABAN daw ang mga biktima.

Kung noon ay parang hinihikaya­t niya ang mga pulis na basta itumba ang mga salot ng lipunan (dealers, pushers, users), ngayon ay medyo iba na ang timpla ng kanyang mga pananalita at pinaaalala­hanan na niya ang mga tauhan ni Gen. Bato na sundin ang tinatawag na rules of engagement sa kanilang mga operasyon---na hindi sila pinahihint­ulutang magsagawa ng ano mang ilegal na pagpatay.

Sabi ni PRRD: “Murder and homicide or whatever... unlawful killing is not allowed.” Binigyang-diin ni Mano Digong na barilin lang kapag umaastang lalaban at may armas ang pinaghihin­alaan. Noon, masyadong lumakas ang loob ng mga operatiba ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel dahil sa pahayag ni PDU30 na walang makukulong na pulis at sakaling makulong, ipa-pardon niya agad. Parang nagpiyesta sa pagbaril at pagpatay ang mga pulis noon dahil siguradong nasa likod nila ang Pangulo na labis ang galit sa drug pushers at users.

Kahit saang lugar idestino si Chief Inspector Jovie Espenido, may namamatay na alkalde ng bayan o siyudad na kinaroroon­an niya. Siya ang hepe ng pulisya ng Albuera, Leyte na dumakip sa itinuturin­g na drug lord sa Eastern Visayas, si Mayor Rolando Espinosa. Sinalakay at pinatay sa loob ng kulungan si Espinosa ng mga pulis sa pamumuno ni Supt. Marvin Marcos, dating hepe ng PNP CIDG 8. Siya ngayon ay na-promote pa at hinirang na hepe ng Region 11 CIDG 11 matapos makalaya nang ibaba sa homicide ang kasong murder.

Si Espenido ang chief of police ng Ozamiz City nang salakayin at napatay si Mayor Reynaldo Parojinog, Sr. at 13 iba pa, kabilang ang kanyang ginang at kapatid na bokal. Si Parojinog ay nasa narco-politician­s list ni Pres. Rody na sinasabing drug lord sa lungsod bukod pa sa pagiging political lord sa naturang lugar. Dahil sa pagkakapat­ay ni Parojinog, binigyan ng parangal si Espenido at ginawaran pa ng bagong Order of Lapu-Lapu award sa selebrasyo­n ng National Heroes Day.

Ngayon si Chief Espenido ay inilipat sa Iloilo City na ang mayor ay si Jed Patrick Mabilog, kamag-anak umano ni Sen. Franklin Drilon. Si Mabilog ay nasa listahan ng narco-politician­s list ng Pangulo. May mga nagtatanon­g kung ang itutumba naman ngayon niya ay si Mabilog na umano’y protector ng droga sa Iloilo City.

Gayunman, sinabi ni Espenido na siya ay pro-life at ang buhay ay mahalaga na kaloob ng Diyos. Sana ay tuparin niya ang pagiging pro-life at hindi basta-basta sasalakay at walang habas na mamamaril at papatay kahit ng mga inosenteng sibilyan. Siyanga pala, ilang libo na ba ang napatay na mga pusher at user? At ilan na rin ba ang napatay na drug smugglers/ suppliers?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines