Balita

MABUTING BALITA

-

Jer 20:7-9 ● Slm 63 ● Rom 12:1-2 ● Mt 16:21-27

Ipinaalam ni Jesucristo sa kanyang mga alagad na kailangan siyang pumunta sa Jerusalem: pahihirapa­n siya ng mga Matatanda ng mga Judio, ng mga Punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.

Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan: “Huwag sana, Panginoon! Hindi ito puwede.” Ngunit hinarap ni Jesus si Pedro at sinabi sa kanya: “Sa likod ko, Satanas! At baka mo pa ako tisurin. Hindi sa Diyos galing ang iyong iniisip kundi mula sa tao.”

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. Sapagkat ang naghahanga­d na magligtas ng kanyang sarili ang mawawalan nito ngunit ang naghahanga­d na mawalan nito ang makakatagp­o nito. Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawala? Sa ano maipagpapa­lit ng tao ang kanyang sarili?

“Darating nga ang Anak ng Tao taglay ang kaluwalhat­ian ng kanyang Ama at kasama rin ang kanyang mga banal na anghel, at doon niya gagantimpa­laan ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa.”

‘Malayang Pagpasan sa Krus’

Tumanggi si Jeremias nang tawagin siya ng Diyos para maging propeta. Katwiran niya, hindi siya marunong magsalita dahil bata pa siya. Pero hinipo ng Diyos ang mga labi ni Jeremias at ibinigay sa kanya ang dapat niyang sabihin. Tatlong ulit nagbigay ng babala si Jeremias sa kanyang mga kababayan tungkol sa kapahamaka­ng sasapitin ng Jerusalem dahil sa pagsamba nito sa mga diyus-diyusan at iba pang kasalanan.

Sa Unang Pagbasa, nagsusumam­o si Jeremias sa Diyos. Inilahad niya ang pinagdadaa­nan niyang hirap at pasakit. Nais man niyang limutin ang Salita ng Diyos at talikdan ang pagiging propeta, hindi niya ito magawa dahil mistula siyang bihag ng pag-ibig ng Diyos.

“SIMBAHAY 2017” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines