Balita

Ibyang, pagod pero enjoy sa sabay-sabay na trabaho

- Ni REGGEE BONOAN

SABAY na nagti-taping ng dalawang teleserye si Sylvia Sanchez, ang La Luna Sangre at ang bagong seryeng kasama ang anak na si Arjo Atayde at Yves Flores mula sa GMO (Ginny M. Ocampo) unit. Nitong nakaraang Sabado, nagsimula naman ang shooting niya ng indie film na ‘Nay kasama si Jameson Blake na miyembro ng Hashtag at si Enchong Dee mula sa direksiyon ni Kip Oebanda at prodyus ng Cinema One Originals.

Nagkaroon din ng storycon at look test ang gagawing pelikula ni Sylvia sa Regal Films kasama sina Diego Loyzaga at Sofia Andres na may working title na Mama’s Girl na ididirek ni Connie

Macatuno mula sa script ni Gina Tagasa. “Bawal pa, hindi pa puwedeng ilabas,” sagot ni Ibyang nany humingi kami ng gist ng istorya ng Mama’s Girl.

Tinanong din namin si Ibyang kung nagkabalik­an na sina Diego at Sofia o kung civil ba naman sa isa’t isa during the storycon at look test pictorial.

“Ay, wala akong alam sa kanila,” matipid na sagot ng aktres.

Umamin na si Diego kamakailan sa kaibigan niyang si Maris Racal na bigla na lang daw silang “nawala” ni Sofia.

Going back to Ibyang, kahit laging pagod at kulang sa tulog ay enjoy siya sa maraming ginagawa niya ngayon.

“Ang dami kong blessings, okay ‘yan kasi malapit na naman ang December,” tumatawang sabi niya.

Bukod sa dalawang teleserye at dalawang pelikula ay may isa pang bagong project ang aktres. Kamakailan lang ay pumirma siya ng kontrata bagamat hindi pa niya idinidetal­ye kung ano ito. Ang hashtags ni Ibyang sa IG post niya, “#happines!! New blessing! #animation #newseries #barangay14­3soon.”

Kung kailan siya tumuntong ng 45 years old ay saka siya naging super in demand bilang actress.

 ??  ?? Sylvia, Mother Lily at co-stars sa ‘Mama’s Girl’
Sylvia, Mother Lily at co-stars sa ‘Mama’s Girl’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines