Balita

Taylor Swift, winakasan ang paghahari ng ‘Despacito’

-

UMAKYAT sa tuktok ng US chart singles kahapon ang mapaghigan­teng bagong awitin ni Taylor Swift, sa naitalang pinakamata­as na one-week sales ngayong taon, at tinapos ang makasaysay­ang paghahari ng global sensation na Despacito. Inilubog ng Look What You

Made Me Do, isang dark dance track na unang single mula sa upcoming album ni Taylor na Reputation, ang Despacito sa number two sa Billboard Hot 100 chart.

Sinira ng awitin ng superstar ang one-day streaming record sa Spotify -- na binalikan ni Taylor kamakailan matapos ang high-profile na pag-boycott dito.

Sinabi ng tracking service na Nielsen Music na nakuha ng

Look What You Made Me Do ang highest number of streams ever sa lahat ng platforms, at pumuwesto sa likuran ng 2013 viral dance craze track na Harlem Shake.

Nagtala rin ang Look What You Made Me Do ng most downloads ngayong taon, 353,000, ang pinakamata­as simula sa feel-good summer song ni Justin Timberlake na Can’t Stop the Feeling! noong Mayo 2016.

Winakasan ni Taylor ang 16-week streak sa tuktok ng Despacito, ang reggaeton track ng Puerto Rican pop star na si Luis Fonsi kasama ang rapper na si Daddy Yankee, na ang remix ay nagtatampo­k sa pop celebrity na si Justin Bieber. Napantayan ng Despacito ang One Sweet Day, ang 1995 ballad ni Mariah Carey at ng Boyz II Men, bilang pinakamara­ming linggong pananatili sa number one. Mas naging kapansin-pansin ang tagumpay na ito dahil iilang non-English songs lamang ang nagmayagpa­g sa US charts. A NEW SIDE TO TAYLOR Ang Look What You Made Me Do – sinamahan ng video na nagbukas sa isang sementeryo at nagpapakit­a ng nakakatako­t na hitsura ni Taylor na may hawak na baseball bat – ay hudyat ng mas palabang katauhan ng singer na itinuturin­g na malamya.

Ang awitin ay tila ganti kay Kanye West, na ginalit si Swift noong nakaraang taon nang ipagyabang sa isang awitin na maaaring makipagtal­ik sa kanya si Taylor dahil “(I) made that bitch famous” -- na ang tinutukoy ay ang naging usapusapan­g pagputol ng rapper sa acceptance speech ni Taylor sa MTV Video Music Awards noong 2009.

Inilabas ni Taylor nitong weekend ang second track mula sa bagong album na pinamagata­ng

Ready For It. Humugot si Taylor sa hip-hop sa awiting ito, nagsimula sa heavy beat bago dahandahan­g lumipat sa lighter pop chorus.

Inilarawan ni Taylor ang kanyang masaklap na love life, isa sa kanyang mga paboritong paksa, ngunit nagpahiwat­ig din tungkol sa sex, sa lirikong: “In the middle of my night / In my dreams / You should see the things we do, baby.”

Ang awitin -- gaya ng blockbuste­r previous album ni Taylor na 1989 – ay isinulat kasama ang chart-topping Swedish pop producer trio nina

Max Martin, Ali Payami at Shellback.

 ?? Taylor ??
Taylor

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines