Balita

Rachelle Ann Go, engaged na sa American boyfriend

- Ni LITO T. MAÑAGO

ENGAGED na ang Pinay singer, West En at Broadway actress na si Rachelle Ann Go sa kanyang boyfriend na si Martin Spies. Naganap ang marriage proposal ni Martin sa Boracay pagkatapos ng postbirthd­ay cebration ni Rachelle kasama ang buong pamilya at ilang malalapit na kaibigan

Madaling araw kahapon, September 8, dakilang araw ni Mama Mary (para sa katulad naming Katoliko), ipinost ni Rachelle sa kanyang social media account sa isang photo na makikitang nakaluhod ang kanyang American boyfriend at makikita ring hawak nito ang engagement ring. hindi kitang reaksiyon ni Rachelle dahil natatakpan ang kanyang mukha ng kanyang mahabang buhok pero ramdam mong masayang-masaya siya base sa caption niya sa photo ng wedding proposal.

“I just prayed for this on my 31st birthday and just like that this happened,” wika ng awardwinni­ng theater actress.

Dugtong ni Rachelle, “What an amazing God we have. Thank you Father God for this man. A man who loves you first. I still cannot believe this!!!aahhh!”

Dinugtunga­n din niya ng isang Bible quotation mula sa Psalm 37:4 and it says, “Take delight in the Lord, and he will give you the desires of your heart” at hastags na #AnsweredPr­ayer #MarthinuSh­in #FutureHusb­and And who is Martin Spies? Ayon sa business and employment social networking website na LinkedIn, si Martin ay nakabase sa New York at kasalukuya­ng nagtatraba­ho sa American luxury fitness company na Equinox bilang general manager.

Graduate ito ng Business Administra­tion major in Finance sa University of Florida at nag-work din sa flagship store ng American clothing brand na Ambercromb­ie and Fitch.

Kung paano nagkakilal­a sina Rachelle at Martin, wala pang nakakaalam as the former hasn’t revealed yet anything about the guy.

Dahil madalas naming bisitahin ang social media accounts ni Rachelle, una naming nasilip ang muy guwapitong American guy nu’ng opening night ng Miss Saigon sa Broadway Theater at naging escort ng former Search for a Star grand winner sa after party sa Tavern On The Green sa New York City.

Nasundan ito nu’ng April 10 nang mag-post si Rachelle ng group photo, kasama si Martin at ilan nilang kaibigan, nang mamasyal sila sa NYC pagkatapos um-attend ng service sa Every Nation Church.

Pagdating ng April 24, kasama ni Rachelle ang boyfriend na nanood ng Hamilton: An American Musical sa Rodgers Theater.

Magkasama namang nag-celebrate ang dalawa when Martin turned 30 last June 13. Sa IG post ni Rachelle, sabi niya, “Thank you for being amazing! Happy 30th Marthinus.”

Nang mapadpad naman ang buong pamilya ni Rachelle (minus her daddy) sa America, kasama naman nila sa pamamasyal (and obviously, ipinakilal­a na ito ng aktres sa kanyang ina at mga kapatid) si Martin sa Central Park, New York.

Bumalik ng Pilipinas si Rachelle nu’ng August 11 in time for her daddy’s birthday after her stint sa Miss Saigon kung saan gumanap siya bilang Gigi Vahn Trahn. Ilang araw pagkabalik ni Rachelle sa bansa, isang photo ang ipinost niya sa IG. Nakataliko­d ang lalaki pero nilagyan niya ito ng heartfelt caption na, “Look for a man who will not just patiently wait for you after work, carry your bag ‘coz he knows you’re tired, treat you like a queen, make you laugh constantly but also who puts God first and pray for/with you. If he loves God first he will also honor & respect you all the days of your life! #GodlyMan.”

Little did we know, sumunod si Martin (o baka sumabay na paguwi ng 31-year old theater star) sa ‘Pinas at sa Boracay Island na nga naganap ang proposal ng lalaking nagpatibok ng puso ni Rachelle.

Wala ring detalye kung anong eksaktong araw ito naganap. Ang mahalaga, Rachelle will soon be Mrs. Rachelle Ann Go- Spies.

At ilang araw mula ngayon, Rachelle will fly back to London para sa West End production ng Hamilton: An Americal Musical kung saan gaganap siya bilang Eliza Schuyler Haminton, her biggest break as a musical theater actress pagkatapos niyang gumanap sa Miss Saigon at Les Miserables bilang Fantine.

 ??  ??
 ??  ?? Rachelle Ann at Martin
Rachelle Ann at Martin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines