Balita

JoshLia love team, big hit sa millennial­s

- Ni DINDO M. BALARES

MATAGALnag­hanap ang ABS- CBN ng babagay na leading man kay Julia Barretto. Marami ang nag- akala na mababantil­awan na ang career niya nang lumampas siya sa teenage period na wala pa ring hit movie, pero sadyang ito na pala ang panahon niya.

Hindi siya nakatakda para maging star. Nakatakda siyang maging actress – na mas pangmataga­lan.

Dumating sa career niya ang Vince and Kath and James at nakatambal sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte. Surprise hit ang pelikula, hindi inaasahan pero lumampas sila sa P100- M mark, ang sukatan ngayon para mapabilang ang isang artista sa big league.

Muling pinagtamba­l sina Joshua at Julia ng Star Cinema sa Love You To The Stars and Back na tulad ng Vince and Kath and James ay fusion uli ng indie at mainstream. Dalawang linggo na itong pinapasok ng moviegoers sa mga sinehan. Sa unang linggo, kumita na sila ng P60M at hindi malayong maabot uli nila ang P100M.

Baka nga lumampas pa dahil nakatakda na rin ang internatio­nal screenings nito sa Canada at US September 8, pati na sa Australia at New Zealand September 14. Marami rin tayong mga kababayan sa Dubai at iba pang bahagi ng Middle East na nagtatanon­g kung ipapalabas ito roon.

Umuukit ng bagong niche sa movie industry sina Julia at Joshua, dahil kumpara sa ibang love team ay hindi lang kilig- kilig ang hinahabol sa kanila ng moviegoers. Pinaguusap­an ng millennial­s na hindi sila pabebe, ang brand ng acting na ikinaiirit­a ng bagong henerasyon. Higit sa lahat, pinapansin din ng kanilang audience ang sincerity at maturity nila bilang actor.

Ginampanan nila sa Love You To The Stars and Back ang characters nina Caloy at Mika na parehong may problema na gusto na nilang sukuan. Nerd si Mika na naniniwala sa aliens samantalan­g may malubhang sakit naman si Caloy. Magpapakuh­a na lang sila sa alien. May metaphor sa pelikula na nagbigay ng lalim at dilim, na ikinaganda nito. Kung naging pronounced masyado ang paksang tinalakay nang pailalim, baka napasama.

Sa gabay ng kanilang direktor na si Antoinette Jadaone, buong husay na nagampanan nina Julia at Joshua ang kanikaniya­ng role.

Simula nang ipalabas sa mga sinehan, trending topic sa social media at usapusapan ng millennial­s ang pelikula nila. Pero hindi lang netizens ang pumupuri sa kanila kundi maging ang ibang mga artista at direktor.

Tulad ng iba pang mga pelikula na naging icon ng kani- kaniyang henerasyon, hindi lang ang kahusayan ng mga artista ang napapansin sa Love You To The Moon and Back kundi ganoon din ang brilliance ni Direk Tonette.

Pinatunaya­n niya sa pelikulang ito na siya ang alpha female sa bagong henerasyon ng Filipino filmmakers. Gumawa siya ng pelikulang nagpapakit­a ng kagandahan ng buhay sa kabila ng mga problema o kapangitan nito.

Sina Joshua Garcia, Julia Barretto at Antoinette Jadaone ang nagiging kinatawan ng millennial­s ngayon – sensitive, talented, at kayang i-deliver ang trabahong inaasahan sa kanila.

Sa katunayan, hinigitan pa nila nang bonggang- bongga.

 ??  ??
 ??  ?? Julia Joshua
Julia Joshua

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines