Balita

Faeldon magpapakul­ong na lang sa Lunes

- Ni Leonel M. Abasola

Naghihinta­y ang alinman sa Pasay City Jail o Muntinlupa City Jail kay dating Bureau of Customs ( BoC) Commission­er Nicanor Faeldon sakaling muli nitong hindi siputin ang pagpapatul­oy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Lunes kaugnay ng P6.4-bilyon halaga ng shabu na naipuslit sa kawanihan.

Ayon kay Senator Richard Gordon, kung susuko lang si Faeldon sa Senado sa Lunes at hindi ito haharap sa pagdinig, mas mainam na mamili na lamang daw ito kung saang bilangguan ito makukulong.

“I do not want him (Faeldon) embarrasse­d. But if he just sits and presents himself and he refuses to answer, I will do the next step, which is to put him under arrest,” ani Gordon.

Sa isang liham nitong Huwebes ay inihayag ni Faeldon na wala na siyang balak na dumalo sa pagdinig ng Senado dahil nahusgahan na umano siya ni Sen. Panfilo Lacson bilang sangkot sa kurapsiyon sa BoC.

Matatandaa­ng binuweltah­an ni Faeldon si Lacson at inakusahan naman ang anak ng senador na si Panfilo Jr. ng pagkakasan­gkot naman sa smuggling ng semento.

Una na ring tinukoy ni Sen. Antonio Trillanes IV si Faeldon na siyang nasa “puso” ng kontrobers­iya.

Kahapon ng umaga ay nagpalabas na ng arrest warrant ang Senado laban sa dating komisyuner, ngunit bandang tanghali ay binawi rin ito makaraang linawin ni Gordon na aarestuhin lamang si Faeldon kung hindi ito haharap sa pagdinig sa Lunes.

“By Monday I will go to Senate and let myself be arrested, but I will not go there to attend the hearing,” sabi ni Faeldon kahapon. “Puwede nila ‘kong buhatin, paupuin dun. Going to jail is better than attending those inquiries.”

 ?? MARK BALMORES ?? KULONG N’YO NA LANG AKO! Kinumusta ni dating Customs Commission­er Nicanor Faeldon ang kanyang mga tagasuport­a matapos ang ambush interview sa kanya sa harap ng bahay ng kanyang kapatid sa Taytay, Rizal, kahapon. Iprinisint­a sa kanya ng Senate Office of...
MARK BALMORES KULONG N’YO NA LANG AKO! Kinumusta ni dating Customs Commission­er Nicanor Faeldon ang kanyang mga tagasuport­a matapos ang ambush interview sa kanya sa harap ng bahay ng kanyang kapatid sa Taytay, Rizal, kahapon. Iprinisint­a sa kanya ng Senate Office of...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines