Balita

Pasabog ni Trillanes ‘waste of time’ lang

- Vanne Elaine P. Terrazola

Para sa mga kapwa senador ni Senator Antonio Trillanes IV, ang kanyang akusasyon ng “drug triad” laban kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay isang “waste of time” sa imbestigas­yon ng Senado sa mga kontrobers­iya sa Bureau of Customs (BoC).

“Off tangent from the topic of the investigat­ion. Sayang lang oras,” sabi ni Senate President Aquilino Pimentel kaugnay ng mga alegasyon ni Trillanes laban sa panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ikapitong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagkakapus­lit ng P6.4-bilyon shabu sa BoC nitong Huwebes, sinabi ni Trillanes na miyembro ang bise alkalde ng isang internatio­nal triad na sangkot sa iba’t ibang krimen, kabilang ang pag-aangkat ng ilegal na droga.

Sinabi pa ni Trillanes na may “dragon-like tattoo” ang nakababata­ng Duterte at mayroon itong “sacred digits” na kukumpirma sa pagiging kasapi nito ng sindikato. Iginiit ni Duterte ang kanyang “right to privacy” nang igiit ni Trillanes na ipakita nito ang tattoo sa likod.

Tumangging mag-react sa alegasyon ni Trillanes si Majority Floor Leader Sen. Vicente Sotto III, dahil ang akusasyon umano ng kapwa senador ay “unsubstant­iated.”

“Maraming ganyan na klaseng balita sa Internet. You give credence when you react,” ani Sotto.

Ginawa namang katatawana­n ni Sen. JV Ejercito ang alegasyon ni Trillanes sa kanyang social media account sa pagpo-post ng kanyang tattoo ng Araw, sinabing “Tattoo ang gustong makita ng isa ‘kong kasama, ito sa akin ‘di naalis!” Kalaunan, nilinaw niyang ang post niya ay “to cool off the tension” sa Senado.

Tungkol sa mga naging komento ng mga kapwa niya senador, sinabi ni Trillanes, “That's very unfortunat­e. Aren't they interested to know definitive­ly that the son of the President, who is the architect of the bloody War on Drugs, is not a member of a drug smuggling syndicate?”

Sinabi pa ni Trillanes na “good thing” ang aniya’y “evasive demeanor” ng bise alkalde.

“(It) could simply conclude that the allegation­s are true. As far they concerned, kung walang itinatago o hindi totoo, bakit ayaw ipakita ang tattoo at ayaw pumirma ng waiver,” sabi ni Trillanes, tinukoy ang pagtanggi ni Duterte at ng bayaw na si Atty. Manases Carpio na lagdaan ang bank waiver upang pabulaanan ang ibinunyag ng senador na may daang milyong piso sa mga bangko sa Davao City ang dalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines