Balita

Nat’l ID system lusot na sa Kamara

- Ni ELLSON A. QUISMORIO

Ipinasa ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa kahapon ang panukalang lilikha ng universal identifica­tion (ID) card system para sa lahat ng transaksiy­on sa pamahalaan.

Lumusot ang House Bill (HB) No. 6221 o Act Establishi­ng the Filipino Identifica­tion System (FilSys) sa botong 142 pabor, pitong kontra, at walang nag-abstain.

Ang FilSys cards ay machinerea­dable identifica­tion cards na maglalaman ng iba’t ibang datos tungkol sa cardholder. Pagsasama- samahin dito ang lahat ng umiiral na government-initiated identifica­tion (ID) systems.

Magagamit ang mga card para sa identifica­tion at lahat ng transaksiy­on sa pamahalaan. Halimbawa, maaari itong gamitin bilang social security card, tax informatio­n card, health card at iba pang government- issued identifica­tion cards.

Ang pitong mambabatas na bumoto kontra sa pagpasa ng panuka ay pawang miyembro ng Makabayan, ang leftist bloc sa Kamara.

“The National ID system proposal is a Marcosian or authoritar­ian measure, and it will transform our country as a police state, where the people is under constant shadowing by government agents, which is a gross violation of right to privacy, liberty, safety, security and life,” anang Anakpawis Party-List Rep. Ariel Casilao.

Giit niya, lilikha ng seryosong problema ang pagkakaroo­n ng gobyerno ng access sa personal informatio­n ng mamamayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines