Balita

Paigtingin ang pag-iingat laban sa kagat ng lamok

- PNA

NANAWAGAN ang Department of Health ( DoH) sa publiko na paigtingin ang mga pagsisikap upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng kagat ng lamok, gaya ng dengue, chikunguny­a at Japanese Encephalit­is ( JE), lalo na ngayong tag- ulan.

Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na bagamat bumaba ng 44 na porsiyento ang naitala ng Epidemiolo­gy Bureau na kaso ng JE sa bansa hanggang nitong Agosto 26, posibleng makapagtal­a ng maraming kaso ng sakit sa mga susunod na linggo.

Nanawagan na ang DoH sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang isinasagaw­a nilang monitoring at pag- uulat ng mga pinaghihin­alaang kaso.

Napaulat na tinitiyak din ng kagawaran na mabakunaha­n na ang mga bata sa bansa laban sa JE sa susunod na taon.

“It is important that the timing of the vaccinatio­n against the disease is factored in when administer­ing the vaccine,” saad sa pahayag ng DoH.

“Studies showed that there is no known benefit of the vaccine when given during the peak season. On top of this, the hallmark of JE prevention like Dengue should focus on identifica­tion and destructio­n of mosquito breeding sites and environmen­tal cleanlines­s.”

Kaya naman hinihikaya­t ni Health Secretary Dr. Paulyn Ubial ang publiko na magpatupad ng mga hakbangin laban sa mga sakit na dulot ng kagat ng lamok sa pamamagita­n ng hindi pagkakaroo­n ng nakaimbak na tubig, pagpapanat­ili ng kalinisan sa kapaligira­n, at pag- aalis sa mga posibleng pamugaran ng mga lamok, hindi lamang sa mga bahay kundi sa buong komunidad.

Pinayuhan din ni Ubial ang publiko na magsuot ng mga damit na nagbibigay ng proteksiyo­n sa kagat ng lamok, gaya ng may mahahabang manggas, pantalon at medyas, gayundin ang paggamit ng kulambo, pagkakabit ng mga screen sa bintana, at ang paggamit ng insect repellents na aprubado ng Food and Drug Administra­tion ( FDA).

Hinimok din ng kalihim ang publiko na iwasan ang hindi kinakailan­gang fogging dahil may mga pagkakatao­ng inililipat lamang nito ng lugar ang mga lamok.

Kasabay nito, pinaalalah­anan ni Ubial ang mga magulang na kaagad na kumonsulta sa doktor o sa mga health center kung ang isang miyembro ng pamilya ay may lagnat na tumagal na ng dalawang araw, o may mga sintomas ng trangkaso.

Ayon sa DoH, ang JE ay ang pamamaga ng utak o encephalit­is. Karamihan sa mga pasyente na mayroong JE virus ay walang ipinakikit­ang sintomas sa loob ng lima hanggang 15 araw makaraang makagat ng lamok.

Kabilang sa mga sintomas ng sakit ang lagnat, pagkaginaw, sakit ng ulo, labis na pagkapagod, pagkahilo, pagsusuka, pagkalito, at sa matitindin­g kaso ay tumitigas ang leeg, nangingini­g, napaparali­sa ang katawan, hanggang sa ma- comatose at tuluyang bawian ng buhay.

Nakapag- ulat na ang DoH ng 133 kaso ng JE simula Enero 1 hanggang Agosto 26 ngayong taon, at 53 sa mga ito ay sa Central Luzon. Siyam naman sa mga pasyente ang nasawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines