Balita

Heart, inspired at feeling young

- NI NORA CALDERON

NA- IN LOVE na si Heart Evangelist­a sa kanyang role bilang si Guadalupe Immaculada Asuncion o Gia sa My Korean Jagiya ng GMA-7.

“It’s flattering na I look young, sabi nila, kaya I love my character na innocent, bubbly, laging nakangiti, kahit may problema, nagagawa niyang maging masaya pa rin,” sabi ni Heart nang bumisita ang ilang entertainm­ent press sa set nila sa Antipolo City na tanaw ang kagandahan ng Metro Manila lalo na’t natiyempuh­an pa namin ang magandang sunset. “I also don’t feel na wife ako ng isang senator dahil hindi naman niya ako pinipigila­n kung ano ang role na gagampanan ko. I need not be in a box, stay at home and feed the baby. I’m liberated at wala siyang reklamo sa akin. Minsan nga ako pa ang nagtatanon­g sa kanya kung ano ang comment niya, pero wala, he’s very supportive,

“Natuwa nga ako sa leading man ko rito, ang Korean actor na si Alexander Lee, na nang first time na nag-dinner siya sa bahay namin, tahimik lamang siya. He’s very discipline­d naman pero nang makasama at makausap na niya si (Sen.) Chiz ( Escudero), madali siyang naka-adapt sa amin. Every now and then, dahil malapit lang ang hotel nila sa bahay, minsan doon sila nagdi-dessert sa amin.”

Nangako siyang ipapasyal ang Korean actors na kasama niya sa rom-com, matutuloy ba iyon kahit busy sila sa taping?

“Yes, sa September 16, may show ang cast sa Naga City, si Xander, Edgar Allan Guzman, Myk Solomon at iba pang Korean actors. From there, after the show, diretso na kami na Sorsogon, naroon na si Chiz at kinabukasa­n ipapasyal namin sila sa iba’t ibang lugar doon. Ipapasyal din namin sila sa Balesin in Quezon, pero tinitingna­n pa namin kung kailan kami p’wedeng pumunta dahil medyo madalas ang pasok ng bagyo sa atin.”

Naikuwento pa ni Heart na dati hindi na siya nanonood ng episodes ng mga ginawa niyang mga serye noon, pero dahil na-in love nga siya sa My Korean Jagiya, nanonood siya nito.

Ayaw i-preempt ni Heart kung ano ang mangyayari sa istorya na kahit in love siya kay Jun Ho (Alexander), hindi naman niya ito maipahalat­a, then bumalik pa ang dating mahal ni Jun Ho, si Cindy ( Valeen Montenegro) at galit pa sa kanya ang ina ni Jun Ho na si Madame Chairman ( Michelle Oh) at pinalayas siya bilang tutor ng apo nito na si Pao ( Khane dela Cruz). Napapanoop­d ang My Korean Jagiya gabi-gabi pagkatapos ng Mulawin vs Ravena.

 ?? Heart at Alexander ??
Heart at Alexander

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines