Balita

Kasamaan vs katotohana­n sa ‘ILAI’

- Ni REGGEE BONOAN

HINDI talaga nagtatagum­pay ang kasamaan dahil kahit na anong panggigipi­t nina Roman ( Michael de Mesa), Rigor ( Daniel Fernando) at

Carlos ( Jake Cuenca) kay Gabriel ( Gerald Anderson) ay nanatiling kakampi ng huli ang katotohana­n at nanalo siya sa patung-patong na ikinaso sa kanya ng mga nabanggit sa Ikaw Lang Ang Iibigin.

Sa umereng episode nitong nakaraang Miyerkules, nabuking ni Gabriel na lihim na nagkikita sina Rigor at Carlos kaya tinanong niya kung ano ang ugnayan nila sa isa’t isa.

Sinabi ni Rigor na bago mamatay si Victoria ( Ayen Munji) ay ibinilin sa kanya si Carlos bagay na ipinagtaka ni Gabriel dahil alam niya na siya ang anak pero bakit hindi man lang niya naranasan ito.

Humirit pa si Carlos na kahit si Gabriel ang tunay na anak ay hindi naman siya itinuring dahil hindi naman sila nagkasama.

Pero ang totoo, nagkita sina Rigor at Carlos dahil nagsusumbo­ng ang huli na pinagdudud­ahan niya ang Daddy Roman niya kung bakit aligaga itong i-dispose ang kotseng nakita sa CCTV sa pinangyari­han ng pagkamatay ni Victoria. Sa madaling salita ay pinagdudud­ahan nito ang kinikilala­ng ama.

Base rin sa teaser, mukhang malapit nang mabuking ang lihim ng mga De la Vega dahil nakunan ni Gabriel si Carlos na sakay ng kotseng nakita sa krimen na ibinebenta niya.

Hanggang sa nilapitan ng mga pulis si Carlos para alamin kung ano ang kaugnayan niya sa nasabing kotse at bakit kailangan nitong i-dispose gayung under investigat­ion ito. Maraming lihim na mabubunyag sa

Ikaw Lang ang Iibigin kaya inaabangan ito ng karamihan base na rin sa datos ng Kantar Media ay nakakuha ng 14.9% o higit doble kumpara sa Trops na 6.8% nitong Martes, Setyembre 5.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines