Balita

Ejay Falcon, sinimulan nang hanapin ang amang Pranses

- –Jimi Escala

INUMPISAHA­N

na pala ni Ejay Falcon ang paghahanap sa kanyang tunay na ama. Kuwento ng actor, may mga kinakausap na siyang tao na maaaring nakakakila­la sa kanyang amang Pranses.

Ngayon pa lang ay pinaghanda­an na niya ang araw ng pagkikita nilang mag-ama.

“Sa totoo lang, eh, ready na ako na makita at makilala siya. Noong pumunta ako sa France para sa isang TFC show, eh, feeling ko, andiyan lang sa tabitabi ang ama ko,” sabi ni Ejay nang makapanaya­m namin sa press launch ng The Promise of Forever.

Ang Kapamilya Gold serye na pinagsasam­ahan nila nina Paulo Avelino at Ritz Azul ay premiere airing na sa September 11.

Pakiramdam niya habang naroroon siya sa France ay maaari niyang makasalubo­ng ang kanyang tunay na ama, pero kinabahan siya at hindi pa siya handa noon.

“Ngayon naman, eh, handanghan­da na ako, at ‘yun nga may mga tao na akong kinakausap na p’wedeng makatulong sa akin. Sana nga this time mahanap ko na siya at makausap,” banggit pa ng actor. Sa kinagisnan­g stepfather na si

Ernesto Falcon lumaki si Ejay. Sa Mindoro sila nanirahan at labintatlo­ng taong gulang na siya nang malaman niya ang katotohana­n na hindi ito ang kanyang tunay na ama.

Pero kahit mabigyan siya ng pagkakatao­n na makita ang tunay na ama, ang pangako ni Ejay sa kanyang stepfather ay hindi magbabago ang pagmamahal at mga tulong na ibinigay niya sa pamilya nila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines