Balita

Sports mode ang ‘Celebrity Bluff’

-

EVERY

Sabado night, bawal matulog... nang hindi happy! Kaya naman mas pinabongga ang laging inaabangan na bonding date na nag-iisang all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff Season 14.

Dahil may hangover pa tayo ng wagi moments ng ‘Pinas sa SEA Games, sports mode ang palabang dream team nina Game Master Eugene Domingo, Master Hottie Bluffer Edu Manzano, Pambansang Alien

Brod Pete at Power Fact Girl-Bubbles Boobay. Bawal ang kill joy dahil bawat banat at hirit, pang-section one talaga.

Magpapagal­ingan at magpapauta­kan ang favorite celebritie­s sa nakakalito­ng Fact or Bluff round at nakakanerb­iyos na Word War.

It’s Team Di Basta Mag-sweetheart Pampalakas­an Din -- Alyssa Valdez & Kiefer

Ravena vs. Team Funny Bubblegang­ers -- Chariz Solomon & Antonio Aquitania vs. Team Protégé Alumni Thea Tolentino & Jeric Gonzales. Maging sports kaya sila sa pamba-bluff ng matinik na trio tagalito? Ano ang mas magiging effective, strategic thinking ng Valdez-Ravena, patawa ng Solomon-Aquitania o pa-tweetums ng Tolentino-Gonzales? Sino sa kanila ang no sweat na aabot all the way to Tough 10? Matira-matibay sa pinakamasa­yang race to half-a-million pesos.

Kung last week ay may pa-rap battle, this time may paliga si Mayor. It’s sporty Brod Pete vs Kiefer ng Gilas Pilipinas lang naman. At dahil bilog ang bola,uubra kaya ang seniority? But wait there’s more may libreng kuko fortune reading din care of Madame Boobay. Siyempre hindi mawawala ang tawanan overload kada round, lalo na’t dito walang nakakaligt­as sa on-the-spot challenges ni Uge sa ating clueless pero laging game na celebrity players.

Garantisad­o palagi ang good vibes dahil sa Celebrity Bluff lang makikita ang idols mo na kumakasa sa no-holds barred kulitan!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines