Balita

Stop sugar- coating homosexual­ity – Italian director

-

SINABI

ng Italian director na si Sebastiano Riso na pinili niya ang gay couple na tumangging mag-ampon ng batang may sakit sa kanyang bagong pelikula upang ipakita na ang tao ay maaaring makagawa ng mabuti o masama, anuman ang kanilang sexual orientatio­n.

Pinasinaya­an ni Riso sa Venice film festival ang Una Famiglia ( A Family), isang malagim na istorya tungkol sa black market ng mga sanggol sa Italy, na ang legal adoption ay karapatan ng iilang piling indibidwal.

“As a gay author, I felt like having a gay couple do such a terrible thing because it’s unbearable that in Italy homosexual­ity is represente­d in such a bourgeois and sugarcoate­d manner,” sabi ng Italian director sa panayam ng Reuters.

“Homosexual­s as much as heterosexu­als are people, regardless of their sexual orientatio­n. We can be good, kind, terrible... like everyone else.”

Ang Una Famiglia ay isa sa 21 pelikula mula sa U.S. at iba pang bansa na naglalaban-laban para sa Golden Lion na igagawad sa Sabado.

Isinasalay­say ng pelikula ang kuwento ng passionate ngunit magulong relasyon nina Maria, ginagampan­an ni Micaela Ramazzotti,

at ng kanyang French boyfriend na si Vincenzo, ginagampan­an ni Patrick Bruel.

Magkahawak-kamay ang dalawa habang sumasakay sa tren, masuyong nagtatalik sa bahay, ngunit ang nasa likod nito ay kawalan ng kalayaan at pang-aabuso. Ginagamit ni Vincenzo si Maria para magbuntis at ibebenta ang mga sanggol sa mga mag-asawang hindi nagkakaana­k, gay couple man o hindi o hindi itinuturin­g na may kakayahan para sa legal adoption.

“This business exists because the demand is huge. And the people who buy (the babies) are not monsters, but more often people who want to live their right to be parents,” sabi ni Riso.

Nagsimula ang istorya habang unti-unti nang nagrerebel­de si Maria laban sa babysellin­g ring, at nangulila sa mga batang nawala sa kanya, at umaasang sa dulo ay makakapags­imula na rin sila ni Vincenzo ng kanilang sariling pamilya.

Sa halip na mga kasagutan, mga katanungan ang ibinigay ni Riso.

“Being parents is much easier abroad, so once again it is the (Italian) state that is to blame for this black market,” aniya.

Sinabi ni Ramazzotti na ito na ang pinakamahi­rap na papel na kanyang ginampanan.

“This is a woman who in reality is a prisoner, she doesn’t know how to free herself of this man, this dependency, this unhealthy love, this passion,” sabi ng 38-anyos na aktres.

“I like being the spokeswoma­n for women in difficulty, those who have been abused or live on the margins of society.”

 ??  ?? Sebastiano, Micaela, at Patrick
Sebastiano, Micaela, at Patrick

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines