Balita

Jennifer Lawrence, pinagtawan­an ang kontrahang rebyu sa ‘Mother’

-

IPINAGKIBI­T-

BALIKAT lang ni Jennifer Lawrence ang matitindin­g reaksiyon sa kanyang bagong pelikulang Mother na pinalakpak­an pero pinintasan din nang unang ipalabas ngayong linggo. Hati ang mga kritiko dahil may mga natuwa at nainis sa pelikula.

Tampok sa horror movie, idinirehe ni Darren Aronofsky, ang Oscar-winner na si Jennifer bilang young pregnant woman na nasira ang buhay nang dumating ang mga hindi inaasahang bisita sa bahay nilang magasawa sa isang liblib na lugar.

“The reviews have been just been cracking me up,” wika ni Jennifer sa mga mamamahaya­g sa London roll- out ng pelikula nitong Miyerkules pagkatapos ng world premiere nito sa Venice film festival.

“People either love it or they absolutely hate it and I think that’s so cool. Like there’s not one person that’s walked out of it like ‘uh,’ and I love that,” dugtong niya.

Ipapalabas ang pelikula, tampok ang isa sa most sought-after actresses ng Hollywood at ang award-winning director, sa mga sinehan sa buong mundo sa susunod na linggo. Tinawag ni Owen

Gleiberman ng Variety ang pelikula na, “a baroque nightmare that’s about nothing but itself,” at inilarawan ito ni David Edelstein ng

New York Magazine na “grandiose and selfaggran­dizing.” Binigyan ito ni

Peter Bradshaw ng pahayagang Guardian ng Britain ng limang bituin, idinagdag na, “As horror it is ridiculous, as comedy it is startling and hilarious, and as a machine for freaking you out it is a thing of wonder.”

 ??  ?? Jennifer
Jennifer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines