Balita

TAMBULISLI­S

- R.V. VILLANUEVA

Ika-12 labas

MAGKASUNOD

na naglakad sina Mang Abe at Mang Diego papunta sa kusina ng bahay para kumain na isang pangkarani­wang pangyayari sa buhay ng visitador tuwing bibisita sa mga katiwala. Dahil tulad nina Mang Aldo, Mang Diego at iba pang katiwala sa malawak na lupain ni Don Andres, lagi nilang pinapahala­gahan at binibigyan ng kasiyahan ang visitador. Madalas bukod sa masarap na pagkain, inaaya nilang uminom ng alak na imported at kumain ng masarap na pulutan.

Ngunit hindi lamang ito ang biyayang tinatangga­p ni Mang Abe sa mga katiwalang paulit-ulit niyang dinadalaw, dahil minsan binibigyan pa siya ng sasabungin­g manok.

At dahil likas na mahilig sa exotic food, sarap na sarap si Mang Abe sa pagkain ng ulam na adobong bayawak. At tulad ng dapat asahan, nagbigay ng karagdagan­g sarap at linamnam ang talbos ng dahon ng sili na isinahog ni Aling Mameng para labanan ang lansa ng ligaw na hayop.

“Talagang masarap na sahog ang dahon ng sili sa adobong bayawak, Mameng,” wika ni Mang Abe. “Tulo ang pawis ko sa sarap!”

“Sinadya ko hong lutuin nang masarap ang bayawak para marami kayong makain, Mang Abe,” sagot ni Aling Mameng.

“Kaya, kain lang nang kain, Mang Abe,” wika ni Mang Diego. “Tayong dalawa lamang ang kakain ng ulam na ito dahil hindi kumakain si Mameng ng bayawak!”

“Anong iuulam niya?”tanong ni Mang Abe.

“’Yun hong tinolang ligaw na manok,” sagot ni Mang Diego. “Maluluto na rin kaya ‘yun ang ulam niya!”

“Ibig mong sabihin, magpapahin­ga lang tayo sandali at sisimulan na natin ang pag-inom ng imported mong alak?” tanong ni Mang Diego.

“Gano’n na nga ho,” sagot ni Mang Abe.

At muli, matapos ang saglit pang pag-uusap, ipinagpatu­loy nina Mang Abe at Mang Diego ang pagkain. Patuloy naman si Aling Mameng sa pagluluto ng pagkain na iuulam niya at pupulutani­n ng asawa at bisitang vistador. Dahil likas na masarap at malinamnam ang lasa ng ligaw na manok, lumaganap sa kusina ang aroma nitong nalanghap nina Mang Diego at Mang Abe, higit ng nagluluton­g si Aling Mameng. Matapos ang tanghalian, nagbalik sila Mang Abe at Mang Diego sa balkon ng bahay, gawa sa kawayan, kahoy at bubungang dahon ng anahaw.

At kasabay ng madalas na paghithit ng sigarilyo, pinalipas ng dalawa ang sandali para matunaw ang pagkaing inilaman sa kanilang sikmura.

Dahil sariwa pa sa isip ng visitador ang nangyaring tangkain nina ni Mang Aldo na makita ang mga tambulisli­s na hinihinala nilang kalaro ng mga batang sina Arman at Gary, ito ang paksang nabuksan ni Mang Abe para pagusapan. Paksang nais din mapag-usapan ni Mang Diego dahil nasa isip pa rin niya ang kamatayan ni Omeng, katulong na trabahador sa korprahan.

“Hindi ho ninyo nakita ang tambulisli­s?” tanong ni Mang Diego.

“Hindi, Diego,” sagot ni Mang Abe. “Ngunit tiyak namin ni Aldo na hagikhik ng tambulisli­s ang sumasalit sa malakas na halakhak ng mga batang sina Gary at Arman.”

“Malamang ho,” sang-ayon ni Mang Diego.

“Hindi malamang, Diego,” wika ni Mang Abe. “Natitiyak ko ang pangyayari­ng ito dahil may bahaghari sa tapat ng lugar na pinaglalar­uan ng dalawang bata.”

“Hindi kayo nagkamali sa hinala, Mang Abe,” muli, sang-ayon ni Mang Diego. “Ganyang panahon ang gustong tambulisli­s para maglaro.” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines