Balita

Lady Chiefs vs Lady Falcons sa PVL tilt

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Fil Oil Flying V Center) 8 n.u. -- – Ateneo vs UST (men’s) 10 n.u. -- La Salle vs FEU (men’s) 4 n.h. -- Adamson vs Arellano

(women’s) 6:30 m.g. -- FEU vs Ateneo (women’s)

NAKATAKDAN­G harapin ng reigning NCAA champion Arellano ang Adamson University para sa target na ikatlong sunod na panalo sa pagpapatul­oy ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Winalis ng Lady Chiefs, sa pamumuno ni Jovielyn Prado, ang unang dalawang laro kontra St. Benilde Lady Blazers at the San Beda Red Spikers.

Dahil dito, dalawang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang makasiguro ng Final Four slot sa short season-ending conference ng liga na inorganisa ng Sports Vision.

Ngunit, hindi naman kampante ang Chiefs sa kanilang tsansa kontra Lady Falcons sa duwelo ngayong 4:00 ng hapon matapos nilang gulantangi­n sa loob ng limang sets sa pamumuno ng bagong league’s top scorer na si Christine Soyud ang UP Lady Maroons.

Aantabayan­an din ang tampok na salpukan ganap na 6:30 ng gabi sa pagitan ng Ateneo at Far Eastern University.

Pangunguna­han ang Lady Eagles nina skipper Bea de Leon at Kat Tolentino, na tatapatan naman nina Bernadeth Pons at Toni Rose Basas sa kampo ng Lady Tams para sa pag -aagawan nila sa liderato ng Group A.

Mauuna rito, magtutuos ang Ateneo at UST ganap na 8:00 ng umaga habang magsasagup­a ang La Salle at FEU sa ikalawang laro ganap na 10:00 ng umaga sa dalawang laro sa men’s division.

Mag-aagawan din sa liderato ang Blue Eagles at Tigers na kapwa winalis ang unang dalawa nilang laban habang unahan namang makapagpos­te ng ikalawang panalo sa tatlong laro ang Archers at Tamaraws.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines