Balita

Antonio, nagimbal ni Jota sa ‘Battle of Grandmaste­rs’

-

Standings after three rounds: (Men) 2.5 points -- C. Garma, J. Jota, H. Pascua 2 -- J. Gomez, P. Bersamina, J. Morado .5 -- R. Barcenilla 1 -- R. Bancod, D. Laylo .5 -- J. Miciano, M. Concio 0 -- R. Antonio. (Women) 2.5 -- C. Secopito 2 -- M. San Diego, A. Lozano, C. Bernales 1.5 -- C. Mejia, B. Galas, M. Suede 1 -- M. Yaon, S. Mendoza 0 -- B. Mendoza, S. Magpily PATULOY ang pagwindang ng kampanya ni defending champion Grandmaste­r Rogelio Antonio, Jr. nang mabigo sa collegiate standout na si Jonathan Jota sa ikatlong round ng “Battle of Gransmater­s’ National Chess Championsh­ips kahapon sa Alphaland Makati. Matinik ang mga sulong ng 20anyos na si Jota, business management sa Lyceum of the Philippine­s University, para makuha ang bentahe sa middlegame tungo sa ikalawang malaking panalo sa torneo at makisosyo kina Internatio­nal Master Chito Garma at Haridas Pascua sa liderato tangan ang 2.5 puntos.

Nakopo naman ni Antonio, ikalawang pambato ng bansa sa chess bukod kay GM Eugene Torre sa nakalipas na mga taon, ang ikatlong sunod na kabiguan.

Ginapi ni Pascua si reigning national junior champion John Marvin Miciano, habang nakihati ng puntos si Garma kay United Statesbase­d GM Rogelio Barcenilla, Jr. sa 12-player, round-robin tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP) at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagtabla rin sina top seed GM John Paul Gomez at IM Paolo Bersamina para makisosyo sa ikaapat hanggang ikaanim na puwesto kasama si Jeth Romy Morado na may dalawang puntos.

Nakihati ng puntos si Morado kay Michael Concio, sae dad na 12 ang pinakabata sa torneo, habang nagtabla rin sina Laylo at IM Ronald Bancod.

Nangunguna naman sa women’s division si Catherine Perena-Secopito na may 2.5 puntos.

 ??  ?? Antonio
Antonio

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines