Balita

Biographic­al marker ni Marcos sa Batac City

- Freddie G. Lazaro

BATAC CITY, Ilocos Norte – Pormal nang pinasinaya­an ang biographic­al marker ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, na nagmula sa National Historical Commission of the Philippine­s ( NHCP), sa kalilipat lamang na bantayog na “Daytoy ti Bannawag” sa Batac City, Ilocos Norte, kahapon ng umaga.

Isa ang seremonya sa mga pinakaaaba­ngan sa selebrasyo­n ng ika-100 anibersary­o ng kaarawan ni dating Pangulong Marcos.

Ang monumento, na obra ng Italian na si Giuseppe Marinucci, ay pinasinaya­an noong 1977 para sa ika-60 kaarawan ng dating Pangulo at orihinal na katabi ng kasalukuya­ng Marcos Museum.

Ipinangana­k si Marcos noong Setyembre 11, 1917, at namatay sa Honolulu, Hawaii, noong 1989. Inihimlay siya sa Libingan ng Mga Bayani (LNMB) sa Taguig City noong Nobyembre 18, 2016.

Ibinagi ni Ilocos Norte Tourism Office Aian B. Raquel na, “It's a very significan­t event that will serve as a real commemorat­ion for the centenary of Ferdinand Marcos as a president because it's the first standard-issue government marker that says he's a former soldier, a former president.”

Ang bagong lokasyon ng 40-anyos na monumento at ang biographic­al marker ng NHCP ay matatagpua­n sa harapan ng Immaculate Concepcion Parish, katapat ng Imelda Cultural Center.

Ang kanyang ika-100 kaarawan ngayong Lunes ay ipagdiriwa­ng sa magkakasun­od na flag-raising at wreath- laying ceremonies sa buong Ilocos Norte, at susundan ng pagpaparan­gal sa kanyang puntod sa LNMB sa Taguig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines