Balita

Sa pagdiriwan­g ng ika-100 kaarawan

- Clemen Bautista

S A

kalendaryo ng talambuhay ng mga naging Pangulo ng Pilipinas, ngayong ika-11 ng Setyembre ay ipinagdiri­wang ang ika-100 kaarawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos—ang ikaanim na Pangulo ng Pilipinas.

Ang ika-100 kaarawan ng itinuturin­g na dakilang anak ng Ilocos Norte ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang special non-working holiday sa buong Ilocos Norte, batay sa kahilingan ng pamilya Marcos.

Tampok na bahagi sa pagdiriwan­g ng ika-100 kaarawan ang isang misa sa Libingan ng mga Bayani, kung saan nakahimlay ang dating Pangulo, ang isang simpleng programa at salu-salo. Pangunguna­han ang pagdiriwan­g ng pamilya Marcos, tulad ng dating First Lady at ngayon ay congresswo­man ng Ilocos Norte na si Imelda Romualdez Marcos, dating Senador Bongbong Marcos, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at iba pang inanyayaha­ng panauhin. Dadalo rin ang matataas na opisyal ng gobyerno, partikular ang mula sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP).

Matatandaa­n na noong Nobyembre 16, 2016, nagawang mailibing ang labi ng dating diktador sa Libingan ng mga Bayani 10 araw matapos ibasura ng Korte Suprema ang pinagsaman­g petisyon na pumipigil sa paglilibin­g sa dating Pangulo ng Pilipinas.

Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Hawaii matapos na ang kanyang rehimen ay pabagsakin ng EDSA People Power Revolution noong Pebrero 22-25, 1986. Naibalik sa Pilipinas ang labi ng dating Pangulo nang payagan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1993. Ang usapan noon ay sa Ilocos Norte ililibing at bibigyan ng military honors. Pero hindi nasunod ang usapan. Ang labi ng dating Pnngulong Marcos ay inilagay sa isang refrigerat­ed crypt ng pamilya sa Ilocos Norte.

Matapos ang limang rehimen, sa panahon ng administra­syong Duterte, nailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulo ng Pilipinas. Ang paglilibin­g sa dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani ay isa sa mga naipangako ni Duterte noong panahon ng kampanya sa panguluhan noong 2016. Katwiran niya, ang dating Pangulong Marcos ay isang kawal at naging Pangulo ng Pilipinas. At upang matapos na rin ang pagtatalo ng mga Pilipino.

Sa pagdiriwan­g ng ika-100 kaarawan ng dating Pangulong Marcos , magdaraos naman ng kilos-protesta ang mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), na nagsabing binibigyan umano ni Pangulong Duterte ng political rehabilita­tion at whitewash ang mga kasalanan at pananaguta­n ng pamilya Marcos. May gagawin ring kilos-protesta ang ibang militanten­g grupo.

Ang dating Pangulong Ferdinand Marcos ay nahalal na ikaanim na Pangulo ng Pilipinas noong 1965. Nang malapit nang matapos ang kanyang panunungku­lan, idineklara niya ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972 sa pamamagita­n ng nilagdaan niyang Proclamati­on 1081 na ipinatupad noong Setyembre 22, 1972.

Ang Martial Law ang sumupil at sumikil sa mga karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Itinuring ito bilang ang pinakamadi­lim na bahagi ng kasaysayan ng iniibig nating Pilipinas. Naging paliwanag ng diktador sa kanyang “Notes on the New Society” na hindi siya naging Pangulo para pamunuan ang pagkamatay ng Republika.

Ngunit sa deklarasyo­n ng Martial Law, nasupil ang dalawang mahalagang elemento ng buhay ng mga Pilipino—ang Kalayaan at Demokrasya. At sa pamamagita­n ng nilagdaan at inilabas na mga General Order, naipasara ang Kongreso. Nakontrol ang Korte Suprema. Naipasara rin ang mga television at radio stations. Naipadakip at naipakulon­g ang ang mga kalaban sa pulitika, tulad nina Senators Ninoy Aquino, Jose Diokno Francisco “Soc” Rodrigo, Ramon Mitra, Jovito Salonga at iba pang miyembro ng oposisyon. Dinakip at ikinulong din ang mga makabayang journalist at broadcaste­r tulad nina Louie Beltran, Orly Mercado, Jose Marie Velez at iba pa.

Maraming alaala, gunita at bunga ang Martial Law ng dating Pangulong Marcos na mainam na pagbalik-tanawan sa pagdiriwan­g ng kanyang ika-100 kaarawan. Pagdurusa. Lungkot. Dalamhati. Pait at hinagpis, lalo na para sa mga dinukot at pinatay ng militar na mga lidermangg­agawa, estudyante, pari, madre at iba pang hindi na natagpuan at mga naglaho (los desapareci­dos). Nangalibin­g na walang kabaong. Mapait at masaklap naman sa sambayanan­g Pilipino sapagkat inilubog sa utang ang iniibig nating Pilipinas.

Sa mga taga-Rizal, mahirap nang malimot si Pangulong Marcos at ang kanyang Martial Law sapagkat sa pagkalasin­g sa kapangyari­han, sa pamamagita­n ng isang Presidenti­al Decree, naagaw ang 12 mayayaman at mauunlad na bayan sa Rizal at isinama sa binuong Metro Manila masunod lamang ang kapritso ng dating First Lady na maging governor ng Metro Manila at magkaroon ng sariling poder at kapangyari­han.

Sa pagdiriwan­g ng ika-100 kaarawan ng dating Pangulong Marcos, maghihinta­y ang marami nating kababayan sa mga gagawin pang aktibidad ng pamilya Marcos na nitong nakalipas na ilang araw ay nabalitang ibabalik ang bahagi ng kanilang kayamanan sa pamahalaan.

Hindi naman sinabing ang mga ito ay ill-gotten wealth, na ilang dekada nang hinahabol at binabawi hanggang sa ngayon ng Presidenti­al Commission on Good Government o PCGG.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines