Balita

MABUTING BALITA

Col 1:24-2:3 ● Slm 62 ● Lc 6:6-11

-

Sa iba namang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki na hindi maigalaw ang kanang kamay. Pinagmamas­dan siya ng mga guro ng Batas at mga Pariseo, at baka pagalingin ito ni Jesus sa Araw ng Pahinga at nang maisakdal nila siya.

Ngunit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa lalaking hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka’t tumayo sa gitna.” Tumindig nga ito at tumayo roon. Sinabi ni Jesus sa kanila: “Matanong ko nga kayo: ano ang ipinahihin­tulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” Tiningnan niya silang lahat sa paligid at sinabi sa tao: “Iunat mo ang iyong kamay.” Ginawa niya ito at gumaling ang kanyang kamay. Galit na galit naman sila at magkakasam­ang nag-usap-usap kung ano ang magagawa nila kay Jesus.

PAGSASADIW­A:

Ngunit alam ni Jesus ang kanilang iniisip.— Wala namang maililihim sa Diyos. Sa kanyang walang hanggang karunungan ay nababatid niya ang lahat ng bagay. Nalalaman niya ang ating iniisip at nadarama. Wika ng ebanghelyo, … alam ni Jesus ang kanilang iniisip (b 8).

Totoo, lahat ng nilalaman ng ating kaisipan ay nababatid ng Diyos. Kung tayo ay may magandang binabalak, ito ay alam ng Panginoon. Kapag tayo ay may masamang panukala, hindi ito maikukubli sa Diyos. Kilala niya tayo at nalalaman niya ang ating mga pangarap at adhikain, mga gawain at gampanin, mga tagumpay at pagkabigo, mga kasiyahan at kalungkuta­n.

Bakit tayo maglilihim sa Diyos kung kabutihan lang naman natin ang hangad niya?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines