Balita

Kumpleto na ang NCAA chess Final Four

-

NADOMINA ng San Beda ang Perpetual Help, 3-1, para masungkit ang top seeding, habang nakatabla ang Lyceum of the Philippine­s University sa liyamadong Jose Rizal, 2-2, sa pagtatapos ng eliminatio­n round at masungkit ang No.2 spot sa 93rd NCAA chess tournament nitong weekend sa LPU auditorium.

Naitala nina Bryan Barcelon at Dave Patrick Dulay ang panalo sa huling dalawang board kontra kina McDominiqu­e Lagula at Prince Mark Aquino, habang nakatabla sina Kim Zsofia Dejayco at Carl Kevin Manguera sa top two boards para sa kabuuang 30 puntos matapos ang siyam na rounds.

Sa kabila ng pagkawala ng kanilang top board player na si Jonathan Jota, sumasabak sa ‘Battle of Grandmaste­rs’ sa Makati City, nagawang maisalba ng Pirates ang kampanya laban sa Bombers para sa kabuuang 26 puntos.

Sina Jhun Aballa at Tristan Valdez ang nakapanalo sa JRU.

Hiniya naman ng College of St. Benilde ang Mapua mula sa panalo nina Prince Kenneth Reyes, Nelson Busa, Jr. at Daryl Unix Samantila sa huling tatlong boards, habang tumabla si Gino Cabual kay Aldus Brent Austria sa top board para sa 3.5-.5 panalo.

Nakopo ng Blazers ang No. 3 na may 25.5 puntos.

Nakumpleto ng Arellano U ang Final Four cast nang pabagsakin ang San Sebastian, 3-1, na may 24 puntos.

Haharapin ng San Beda ang Arellano U, habang sasabak ang LPU sa St. Benilde sa semifinal match kung saan hawak ng dalawang nangunguna­ng koponan ang twiceto-beat edge.

Sa juniors’ action, magtutuos ang No. 1 Letran at No. 4 Arellano U, habang magkakasub­ukan ang No. 2 San Beda at No. 3 Perpetual Help sa kanilang Final Four match.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines