Balita

Heart, chill lang ang married life

- Ni ADOR SALUTA

MARAMING romantic scenes sa My Korean Jagiya ng GMA-7 sina Heart Evangelist­a at ang Korean actor na si Alexander Lee. Knowing that Heart is married to Sen. Chiz Escudero, tinanong ang aktres kung nagseselos ba ito sa mga romansahan nila ni Alexander sa serye.

“Hindi, zero!” mabilis na sagot ni Heart. “He’s so… I think it’s because he’s mature, he’s so secure about himself, parang…actually even before, ‘yung mga damit na revealing? Mas ano pa nga siya, parang supportive talaga siya.”

Walang ipinagbaba­wal at hindi rin siya nasisita ng asawang kapag may kissing scene siya sa kanyang serye.

“Wala talaga siya, as in zero! Minsan sabi ko, ‘Magselos ka naman!’” sabay tawa. Hindi raw selosong hubby si Sen. Chiz. “I think he’s secure, yeah!” Maging ang production team ng My Korean Jagiya ay bilib kay Sen. Chiz sa ‘di nito panghihima­sok sa trabaho ni Heart.

“Nu’ng naka-bonding nila si Chiz, sabi nila, ‘You know, in fairness, suwerte ka for an artista, kasi bihira lang ‘yung meron kang non-showbiz na asawa who will be that okay with, you know.’”

Sa ibang bagay siya pinagpapay­uhan ng kanyang mister.

“Inaano lang niya ako, like, kung saan siya strict would be like he helps me… I mean, I hold my money, but he helps me, like, budget it.”

Inamin ni Heart na weakness niya talaga ang pagsa-shopping.

“I think it’s because I know that I’m gonna have to get pregnant soon, so parang feeling ko, I’m panicking na. That’s why I’m buying myself things kasi alam ko ‘pag nagkaanak ako it will change.

“So, I think that’s the ano... but, like, kunwari, like every end of the year?’ He’d say, ‘So, did you reach your goal this year, were you able to save this, ganyan?’

“Ganun lang siya, concerned. Or kunwari whenever I go to Paris he would say, ‘When are you gonna go to Paris this year? You have to buy your tickets early and check.

“O kaya ‘pag kunyari may promo tickets, sasabihin niya sa akin, ‘Darling, may promo ticket, ayusin mo na.’”

Ibig sabihin, hindi isyu sa kanya ang promo airfares.

“Oo naman! It’s still business class, but it’s fifty percent off. But you have to buy it in advance.” Ganoon din ba si Heart kay Senator Chiz? “No. Kasi, well, meron naman kaming prenup, eh. So, I mean, kung anuman ‘yung ano niya, siyempre he has kids, I mean, ayokong makialam.”

Maging sa usapin sa pagkakaroo­n ng kanilang sariling anak ay understand­ing at supportive ang asawa.

“Like, kunwari I said, so if I get pregnant next year, sabi ko, how is that, like, my income siyempre, you know, I have to plan my life?’ ganyan-ganyan.

“‘Well, that’s up to you, what do you wanna prioritize? Do you wanna have a baby now or you wanna hold it?’ May ganu’n siya, eh,” lahad pa ni Heart. Never siyang binigyan ng pressure ng asawa. “But, ‘You know, I’m just worried that if you don’t do it now, kasi ako, sa totoo lang, ako, okay na ako, meron akong dalawang anak, okay naman tayo. I’m just worried that if you don’t do it now, parang you might miss that chance that you’ll really enjoy your baby,’ ganyan.

“Sabi niya, ‘Ikaw, you want to travel, you wanna bring your baby with you, so it’s up to you, that’s why hinay-hinay ka sa gastos.’”

May dalawang anak si Senator Chiz sa una niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores, ang 10-year-old twins na sina Chesi and Quino, na parehong malapit kay Heart. Sa katunayan, kina Heart nakatira ang mga bata. Kapag nagkaanak na sila ni Senator Chiz, hindi ba mahahati ang atensiyon niya sa baby nila at sa kambal?

“Meron naman silang mga yaya, but, I mean, in the beginning, I must admit it was hard, siyempre. Especially when they lived na with me. Of course, it’s hard. Like, I didn’t know naman anything, di ba?

“I mean, I’m still learning to be a wife, I’m still learning, so it was hard. But in fairness, sobrang ang bait nila!”

Nakapag-adjust na si Heart mula sa pagiging single at ngayon ay bilang wife at stepmother.

“Hindi ko na nga nararamdam­an, eh. Dati kasi parang ‘pag may tumatakbo, parang natatarant­a ako… di ba? They’re so well behave,” pahayag ng aktres.

 ??  ??
 ??  ?? Heart at Sen. Chiz
Heart at Sen. Chiz
 ??  ?? Heart at Alexander
Heart at Alexander

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines