Balita

Maute terrorists pinasusuko ni Digong

NAGBANTA NG BATAS MILITAR SA BUONG BANSA

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sinabi ni Pangulong Duterte na bagamat itatratong mga kriminal ang mga susukong terorista na miyembro ng Maute Group, magiging makatao pa rin ang turing sa mga ito.

Ito ang inihayag ng Pangulo ilang araw bago sumapit sa ikaapat na buwan ang bakbakan sa Marawi City, Lanao del Sur.

Gayunman, sa kanyang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Camp Evangelist­a Station Hospital sa Cagayan de Oro City nitong Sabado ng gabi, ay sinabi ng Pangulo na kung ipagpapatu­loy ng Maute ang pakikipagl­aban sa mga pulis at sundalo sa siyudad ay mapipilita­n ang gobyerno na patayin ang lahat ng ito.

KUMAMBYO

“They will be treated as criminals. If they surrender, they will be prosecuted. But they will be treated as human being,” sabi ni Duterte. “We will try them, give them due process, provide them with a lawyer, and there will be no oppression or harassment, or anything. No violence will be inflicted upon them if they surrender.

“Nothing of the sort. I will not also allow it. That is not the way how we treat people, especially even they're criminals,” patuloy pa ni Duterte. “[But] if they choose to fight, then the State has the right to kill them. Simply, they are rebelling.”

Una nang sinabi ng Presidente na hindi siya makikipagn­egosasyon sa mga nagrerebel­de sa Marawi dahil 145 na ang nalagas mula sa puwersa ng gobyerno sa pagtatangk­a ng Maute na makubkob ang lungsod simula noong Mayo 23.

MARTIAL LAW SA BUONG BANSA

Nagbabala rin si Pangulong Duterte na magdedekla­ra siya ng batas militar sa buong bansa sakaling sumiklab ang rebelyon sa iba pang panig ng bansa.

“Ako, hindi ako nananakot, ha? Do not commit the mistake of staging a rebellion. ‘Yung sabihin mo na there’s a fighting on the streets,” ani Duterte. “I will not hesitate to impose martial law all throughout the country and order the arrest of everybody. Gagamitin ko talaga ang Armed Forces, pati pulis.”

Mayo 23, 2017 nang nagdeklara ang Pangulo ng batas militar sa buong Mindanao at pinalawig ito hanggang sa Disyembre 31, 2017.

WALANG NEGOSASYON

Binanggit din ni Duterte na hindi siya makikipag- usap kay dating Marawi City Mayor Omar Solitario makaraang magmungkah­i ang huli na hayaan na lang ang Maute Group na lisanin ang siyudad kapalit ng pagpapalay­a sa mga bihag nito.

“No way,” sabi ni Duterte. “He proposed many things, mostly about talking peace to the Mautes or bargaining for the hostages. I confirm that it really happened."

Una nang sinisi ng militar si Solitario sa krisis ngayon sa Marawi dahil sa pagsuporta umano ng dating alkalde sa mga terorista.

“Itong si Solitario ay dapat hindi tinatraton­g seryoso. Kasi ito po’y supporter na matagal na ng mga bandido d’yan sa loob ng Marawi,” sabi ni AFP spokespers­on Brig. Gen. Restituto Padilla.

“At dapat nga po ituloy ‘yung pag-aresto sa kanya, dahil isa po siya sa mga nag-instigate ng mga nangyayari ngayon d’yan,” dagdag pa ni Padilla.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines