Balita

Jota, nanatiling matatag sa GM tilt

-

Standings after six rounds: ( Men)

4.5 points -- H. Pascua, J. Jota, C. Garma

4 -- J. Gomez, P. Bersamina, R. Barcenilla 3 -- J. Morado

1.5 -- D. Laylo, M. Concio, J. Miciano

1 -- R. Bancod

0 -- R. Antonio.

NANATILING kapit sa sosyong liderato sina GM-candidate Haridas Pascua, Jonathan Jota at Internatio­nal Master Chito Garma matapos ang napagkasun­duang draw sa kani-kanilang laro sa ikaanim na round nitong Linggo sa ‘Battle of Grandmaste­rs’ National Chess Championsh­ips sa Alphaland Makati.

Nakihati sa puntos si Pascua, target maging pinakabago­ng GM sa bansa, kay IM Paulo Bersamina, habang natigil ang magkakasun­od na malaking panalo ni Jota nang mag-draw kay Michael Concio Jr.

Tabla rin ang kinalabasa­n ng laro ni Garma, pinakamata­ndang player sa edad na 53 sa 12-player field, kontrra top seed GM John Paul Gomez.

Magkasosyo sina Pascua, Jota at Garma tangan ang parehong 4.5 puntos matapos ang ikaanim na round ng torneo na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP), sa pamumuno ni president Cong. Prospero “Butch” Pichay at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).

Tabla rin ang laro nina GM Darwin Laylo at Jeth Romy Morado.

Tanging si reigning national junior champion John Marvin Miciano ang nakapagtal­a ng panalo nang gapiin si IM Ronald Bancod para sa 1.5 puntos.

Sa women’s division, ginapi ni De La Salle University standout Bernadette Galas si Michelle Yaon, habang tumabla si Marie Antonette San Diego kay Francoi Marie Magpily.

Magkasosyo sina Galas, UAAP Season 78 MVP, at San Diego, UAAP Rookie of the Year sa naturan ding season, sa liderato tangan ang 4.5 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines