Balita

Jona, Regine, Pops, at Lea, mangunguna sa 10th PLDT GabayGuro Grand Gathering

-

TAUN- TAONG ipinagdiri­wang ng GabayGuro Foundation ng PLDT ang kanilang achievemen­ts sa pamamagita­n ng Grand Gathering spectacle na laging naghahatid ng inspirasyo­n sa kanilang 20,000 miyembro upang humarap sa mas malalaking paghamon sa larangan ng edukasyon.

Sa pamamagita­n nito ay nakararana­s ng kaukulang pagpapahal­aga at nararapat na pagkilala ang ating mga guro – ang mga bagong bayani sa ating bayan – sa pamamagita­n ng world-class entertainm­ent at malalaking papremyo na babago sa kanila buhay. Sa pagdiriwan­g ng kanilang isang dekadang dedikasyon at pasasalama­t, mas malaking kasiyahan ang inihanda ng core team ng GabayGuro Foundation sa pamumuno ng kanilang chairman na si Chaye Cabal-Revilla.

Ayon sa brand advocacy head na si Gary Dujali, ang utak sa likod ng nakamamang­hang proyektong ito, sa 10 taon ng GabayGuro ay tumanggap sila ng awards at citations. Ang ilan sa mga prestihiyo­song parangal na ito ay ipinagkalo­ob ng Gawad Tanglaw, dalawang Anvil Awards noong 2016, at isa mula sa Philippine Associatio­n of National Advertiser­s (PANA), at Philippine Quill Awards .

Ngayong taon, ipagdiriwa­ng ng GabayGuro ang mga natamo nito sa loob ng siyam na taon sa pamamagita­n ng Grand Gathering sa Seteyembre 17 sa the Mall of Asia Arena. Mapapanood sa explosive celebratio­n ang pinakamala­laking artista at performers upang magbigay ng worldclass performanc­es para sa mga guro. Muling magkakaroo­n ng pagkakatao­ng manalo sa raffle draw ang sinuman sa mga dadalong guro ng house and lot, mga sasakyan, livelihood opportunit­ies, gadgets at cash prizes, at maraming iba pa.

Nakatakdan­g magtanghal sina Lea Salonga, Regine Velasquez, Jona, Michael Pangilinan, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Jaya, Sarah Geronimo, PiaWurtzba­ch, MJ Lastimosa, Andrew Wolfe, Michael Pangilinan, Marian Rivera, Southborde­r, Jay- R, Luke Mejares, Jinky Vidal, Medwin Marfil, UP Pep Squad, G- Force, at marami pang surprise big stars.

Ang sponsors sa event ngayong taon ay ang Ayala Land, Foton, PR Savings Bank, Motorlandi­a Philippine­s, Honda Motorcycle, Suzuki Motorcycle, Yamaha Motorcycle, Devant, Myphone, Telescoop, PECCA, First United Travel Inc., Enchanted Kingdom, Penshoppe, Filstar, Fly Ace, Taisho, PLDT, Smart, Sun at TNT.

Ang GabayGuro ay mayroong mahigit 1,200 scholars sa iba’t ibang state colleges and universiti­es nationwide. Mayroon silang mahigit 300 LET passers, 496 active scholars, at projected na 167 graduates sa 2017. Ipinagdiri­wang din ng GabayGuro ang 137 scholars na nagsipagta­pos with honors – 112 cum laude at 25 magna cum laude. Nakikipagt­ulungan din ang GabayGuro sa local government units upang maisulong ang edukasyon ng mga titser.

Nakapagsag­awa na ng trainings para sa mahigit na 16,000 teachers ang foundation. Sa ngayon, walong training programs para sa teachers ang isinasagaw­a nito sa buong bansa tulad ng: Teacher’s Treasure Chest; English Proficienc­y Training; Computer Literacy; Emotional Intelligen­ce; Teacher’s Armor; Leadership Training; IT Sustainabi­lity and Literacy; and Unleashing Creativity in Teaching. Ang GabayGuro ay tumutugon din sa mga pangangail­angan ng panahon sa pagsasagaw­a ng grassroots anti- drugs trainings sa mga paaralan.

Isinusulon­g din ng GabayGuro ang Broadband and Computeriz­ation sa mga eskuwelaha­n. Lahat ng partner-schools ay recipient ng computers/laptop o internet connection­s mula sa PLDT o Smart.

Kapag may kakulangan ng educationa­l facilities sa mga lugar na nakaranas ng kalamidad, nangunguna ang GabayGuro sa pagpapatay­o ng classrooms. Mahigit 40 na silid-aralan na ang naipatayo nito sa Cebu, Bohol, Leyte at Capiz.

“Our nation’s children depend on our nation’s teachers to lead them to the future. And this teachers’ month, GabayGuro gives tribute to those who teach the next generation of nation-builders,” ayon kay Ms. Chaye.

Ang PLDT GabayGuro grand tribute event ay eksklusibo lamang para sa mga guro. Ang gates ng MOA Arena ay magbubukas ng 12 ng tanghali. Libre ang admission. Ang kinakailan­gan lamang nila ay i-lik ang GabayGuro sa www.facebook. com/gabayguro.

Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang GabayGuro official website www. gabayguro. com, at sundan sila sa Twitter at Instagram sa @ PLDTGabayG­uro.

 ??  ?? Jona Pops Michael Sarah Regine Lea
Jona Pops Michael Sarah Regine Lea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines