Balita

Gary V at Maine, fan ng isa’t isa

- Ni NORA CALDERON

RARE moments na nagkakasam­a sa isang okasyon ang Kapuso at Kapamilya stars kaya hindi kataka- taka na nandoon iyong lumalabas ang pagiging fan nila sa isa’t isa. Tulad na lamang sa ginanap na Ad Congress sa Baguio Country Club nitong September 7 na nagkasamas­ama ang mga artistang dumalo.

Hindi itinago ni Gary Valenciano ang kanyang paghanga kay Maine Mendoza na kasama roon si Alden Richards at ang cast ng Eat Bulaga. Agad niyang ipinost sa Instagram ang photo nila ni Maine with the caption: “Believe it or not. Today was the first time I ever met @mainedcm #Maine Mendoza. And I had a hard time hiding my being a fan. God bless you more Maine!!!”

Agad din naman itong ni-like ni Maine at ni Alden at ng libu-libo pang fans nila. Sinagot din ito ni Maine ng: “It was a pleasure meeting you po, Sir! Thank you very much for the kind words earlier, nakaka- overwhelm po coming from THE Gary Valencinao. Hay salamat po and God bless.”

Nagpasalam­at din ang fans ni Maine at ang wish nila, sana raw ay magkasama silang dalawa sa isang show. Nauna nang nakasama nina Maine at Alden ay ang anak na bunso ni Gary V na si Kiana Valenciano na ilang beses nang nag- guest sa “Music Hero” segment Eat Bulaga.

Samantala, nagkaroon naman ng chance si Alden na makasama sa kasal nina Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris ang ilang Kapamilya personalit­ies like Ms. Korina Sanchez na nag-post sa Instagram ng: “Pinoys at the venue entrance were screaming for Alden Richards....” and Dyan Castillejo with the caption na, “Nice to meet you @ aldenricha­rds02 thanks for the pic.” Ganoon din sina Piolo Pascual at Derek Ramsay.

 ??  ?? Maine at Gary
Maine at Gary

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines