Balita

Paano makatutulo­ng ang mga Pinoy sa pandaigdig­ang paglilinis sa mga baybayin at pangangala­ga sa ozone layer?

-

PANGUNGUNA­HAN ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) ang isang lokal na selebrasyo­n ng dalawang importante na pandaigdig­ang environmen­tal event ngayong Setyembre: ang Internatio­nal Coastal Cleanup Day at ang Internatio­nal Day for the Preservati­on of the Ozone Layer.

Nanawagan si DENR Secretary Roy A. Cimatu sa mga Pilipino na makiisa sa kambal na selebrasyo­n, kasabay ng paghahanga­d na maitaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa pagbibigay ng proteksiyo­n sa karagatan at sa ozone layer, na sabay na gaganapin sa Sabado, Setyembre 16.

“These two global environmen­tal events will not only educate Filipinos about the current situation of the environmen­t, but also heighten the consciousn­ess of the general public on the dangers that may come if we do not properly take care of our water resources and the ozone layer,” lahad ni Cimatu.

May temang “Sama-sama para sa Karagatan”, ang Internatio­nal Coastal Cleanup Day ngayong taon ay inorganisa ng Biodiversi­ty Management Bureau ng DENR, kaagapay ang Internatio­nal Coastal Cleanup Philippine­s sa ilalim ng Washington­based environmen­tal advocacy group na Ocean Conservanc­y, at ng Philippine Coast Guard.

Ang mga institutio­nal partner ay kinabibila­ngan ng Department of Interior and Local Government, Department of Education, Department of Transporta­tion, Department of Public Works and Highways, at Department of Tourism.

Sa ika-31 taon nito, layunin ng selebrasyo­n na hikayatin ang publiko na magtanggal ng mga basura sa mga dagat at daluyan ng tubig sa buong mundo, tukuyin ang mga pinagmumul­an ng debris, at baguhin ang behavioral pattern na nakakapag-ambag sa polusyon.

Sa Huwebes, Setyembre 14, maglulunsa­d ang United Nations Environmen­t Programme ng website para sa pinakabago nitong kampanya, ang www.ozoneheroe­s. org, pati na rin ang #OzoneHeroe­s na maaaring gamitin sa social media upang isulong ang kamalayan sa mga naisakatup­aran ng Montreal Protocol.

Layunin ng Internatio­nal Day for the Preservati­on of the Ozone Layer na palaganapi­n ang kamalayan tungkol sa unti-unting pagkasira ng ozone layer, at ang pangangala­p ng mga solusyon upang mapangalag­aan ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines