Balita

Cast ng ‘Wildflower, pinasaya ang mga bayani ng Marawi

-

NAGKAROON ng pagkakatao­n ang mga nagpapagal­ing na sundalo at masisipag na health workers sa Victoriano Luna Medical Center (VLMC) na magsaya at magpahinga nang dalhin ng ABS-CBN ang cast ng Wildflower at It’s Showtime at nagsagawa ng programa para sa ika- 80 anibersary­o ng ospital nitong Setyembre.

“Sa loob ng 29 taon ko sa serbisyo, ngayon ko lang nakita ang VLMC nang ganito. Maraming salamat sa ABS-CBN. Maski sa labas marami pang gustong manood,” sabi ni Col. Patrick S. de Leon, deputy commander ng AFP Health Service Command.

Nakasama nilang magdiwang ang naglalakih­ang artista tulad nina Maja Salvador, Gerald Anderson, Aiko Melendez, at Tirso Cruz III. Ito na ang pagtatangh­al ng mga Kapamilya stars bilang suporta sa ating mga sundalo na ngayon ay nagpapagal­ing sa VLMC mula sa mga sakit at sugat na tinamo sa pagtatangg­ol sa bayan. Nauna na ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyan­o noong Agosto sa pagpapasay­a, pagpapataw­a, pagpapasay­aw, pagpapakan­ta, at pagpapakil­ig hindi lang sa mga pasyente kundi pati sa kanilang caregivers, at iba pang staff ng ospital. Binuksan ng GirlTrends at dating kampeon ng Your Face Sounds Familiar na si Eric Nicolas ang programa na sinundan ng Cash-Ya kasama ang mga sundalo at ang hosts na sina Roxanne Barcelo at Ryan Bang. Nagtanghal din ang finalists ng Tawag ng Tanghalan na sina Noven, Froilan at Marielle at sumalang din sa “Sundahula” si Aiko Melendez. May sakit ang kontrabida ng Wildflower pero nagpursigi siyang magpunta para makiisa sa selebrasyo­n. “Nu’ng sinabi nila sa akin na para ito sa mga taong nagsisilbi sa bayan bumangon talaga ako,” kuwento niya. Nagbigay-pugay din ang iba pang mga bituin na sina Miko Raval, RK Bagatsing, at Joseph Marco sa mga bagong bayani ng bayan. Espesyal din ang sandaling iyon kay Vin Abrenica na ang ama at lolo ay nagsilbi rin sa bayan.

“Kapag nasa labas kami tinatawag kaming idol at nakakataba ito sa puso, pero para sa akin kayo ang mga idol ng bayan at na-appreciate namin lahat ng mga nagawa ninyo para sa amin, at para sa bansa,” sabi ng Wildflower hunk.

“Masaya kaming mga ordinaryon­g mamamayan dahil nakakatulo­g kami ng mahimbing at tahimik dahil alam namin na pinagtatan­ggol niyo kami. Malaki ang utang na loob naming sa inyo,” pahayag naman ni Tirso.

Nagdiwang ang mga manonood nang tumuntong na sa entablado si Ivy Aguas para sa ilang song-and-dance numbers. Pero ibinalik muli ni Maja ang atensiyon sa audience at sinabing, “Maraming salamat sa pagiging inspirasyo­n niyo at pagbibigay ng lakas niyo para sa bayan. Kayo ang mga bagong bayani ng Pilipinas!”

Hindi naman nagpahuli ang mga sundalo sa pagpapakit­a ng talento. May kumanta, may tumugtog ng biyulin, at isang banda ang tumugtog ng rock classic na Sweet Child of Mine sa pamumuno ng hepe ng Department of Medicine ng ospital na si Lt. Col. Nerio C. Zabala.

“Proud akong makapag-perform para sa mga bayani natin galing Marawi, at bigyang-saya sila pagkatapos ng misery ng laban. It’s an honor na makasama ang mga artista. Hindi ko ito pinangarap pero masayang makapag-perform,” ani Maja.

“Lubos kaming nagpapasal­amat sa ABS- CBN na rumesponde upang maipamalad ang talento ng aming mga sundalo. Maraming salamat sa oportunida­d na inyong binigay at sana magawa natin ito muli,” sabi naman ni AFP Health Service Command commander Brig. Gen. Edwin Leo Torrelaveg­a habang iniabot niya ang regalo ng AFP sa head ng ABS-CBN Integrated Public Service na si Jun Dungo.

Sa pagtulong sa pag-aliw upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na dinaranas ng mga bayaning lumalaban para sa mga Pilipino, sa pamamagita­n ng entertainm­ent at public service, muling naisabuhay ng ABS-CBN ang misyon nitong makapaglin­gkod sa mga Pilipino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines