Balita

IPhone X, paalam na sa ‘home’ button

-

CUPERTINO, Calif. (REUTERS/ AP)—Pinasinaya­an ng Apple Inc nitong Martes ang pinakaaaba­ngang iPhone X (“ten”), gawa sa glass at stainless steel na may edge-to-edge display, na ayon kay Chief Executive Tim Cook ay “the biggest leap forward since the original iPhone.”

Ang iPhone X ay may wireless charging, infrared camera at hardware para sa facial recognitio­n, kapalit ng fingerprin­t sensor para mabuksan ang phone. Wala na ang home button, na bumago sa smartphone­s nang ito ay ipakilala ni Steve Jobs isang dekada na ang nakalipas, at sa halip ay ita-tap lamang ng users ang device para ito ay magising.

Ngunit sa on-stage presentati­on ni Apple Senior Vice President Craig Federighi, hindi gumana ang Face ID unlocking sa first attempt.

Ang 10th anniversar­y iPhone, nagsisimul­a sa presyong $999, ay dadalhin sa mga tindahan sa Nobyembre 3.

Pinasinaya­an din ng Apple ang bagong iPhone 8 at mas malaking 8 Plus na may upgrade sa camera, display at speaker.

Ang mga phone na ito, ayon sa Apple, ay kukuha ng larawan na mas malilinaw, mas matitingka­d ang kulay, at walang gaanong distortion, lalo na sa low-light settings. Gagamit ang display ng ambient lighting, na katulad sa feature ng ilang iPad Pro models. Mas magiging malakas ang speaker at mas malalim ang bass, at gagamit din ng wireless charging.

Ipinakilal­a rin ng kumpanya ang updated version ng Apple TV 4K at bagong Apple Watch model na may cellular service.

Ito ang unang product event ng Apple sa bago nitong headquarte­rs sa Cupertino, California. Nagsimula ang programa sa pagbibigay-pugay ng kumpanya kay Apple co-founder ng Steve Jobs, na pumanaw noong 2011.

Sinabi ni Cook na isang habambuhay na karangalan na siya ang magbubukas ng Steve Jobs Theatre sa Apple Park campus. “Today and always, we honour him,” aniya.

 ?? AP IT’S TEN ?? Inilalahad ni Apple senior vice president Phil Schiller ang features ng iPhone X.
AP IT’S TEN Inilalahad ni Apple senior vice president Phil Schiller ang features ng iPhone X.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines