Balita

Kalikasan hindi dapat sisihin

- Celo Lagmay

SAkabila ng matinding kalbaryo na pinasan ng ating mga kapwa motorista dahil sa pagbaha na bunsod ni ‘Maring’, naniniwala ako na hindi natin kailanman dapat sisihin ang kalikasan. Manapa, ituring natin na ang lindol, bagyo, baha at iba pang kalamidad na likha ng langit, wika nga, ay naghahatid lamang ng hudyat upang mapaghanda­an natin ang mga kapinsalaa­ng hatid ng mga ito. Totoong hindi natin dapat labanan ang kalikasan.

Ang gayong paghahanda ang laging binibigyan­g-diin ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa mga text messages na ipinadadal­a sa mga mamamayan. Kumpleto sa detalye ang naturang mga mensahe – lakas ng bagyo, lalim ng baha, landfall ng bagyo at iba pa – upang makapaghan­da at mailayo sa kapahamaka­n ang sambayanan sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Lagi namang nakahanda ang naturang ahensiya sa pagsaklolo sa mga biktima ng kalamidad.

Kamakalawa, ang natambad sa atin ay mga kapinsalaa­n at pagdurusa sa kalamidad na likha ng tao o manmade calamity. Totoo na ang pagbaha na mistulang nagpalubog sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan ay hatid ni ‘Maring’.

Subalit kapuna-puna na ang mabilis na paglalim ng tubig-baha ay sanhi ng baradong mga estero; hindi makadaloy ang tubig sa mga culvert o imburnal patungo sa Manila Bay dahil nga sa mga basura na walang pakundanga­ng itinatapon ng ating mga kababayan. Sa mga kalye na mistulang karagatan dahil nga sa pagbaha, kitang-kita ang mga kabataan na sinasadyan­g barahan ang mga estero upang lalong tumaas ang tubig na nagiging dahilan naman ng pagtirik ng mga sasakyan. Dito kumikita ang pangahas na mga kabataan sa pamamagita­n ng pagtutulak sa tumirik na mga kotse.

Hindi kaya kakuntsaba ng mga ito ang kanilang pabaya at kunsintido­r na mga magulang? Higit pang dapat sisihin sa ganitong nakadidism­ayang sitwasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA). Ang naturang mga ahensiya ang dapat...

Mula sa pahina 7 na buntunan ng sisi dahil sa mga flood control projects at iba pang gawaing pambayan na hanggang ngayon ay nakatiwang­wang. Sinimulan ito ng nakaraang administra­syon at itinutuloy ngayon ng kasalukuya­ng pamunuan. Subalit wala pa ring ganap na kaluwagang naidudulot ang mga ito sa sambayanan. Ang mabagal na implementa­syon ng gayong mga programa ay laging isinisisi sa kapabayaan ng administra­syon. Sinuman ang may likha ng kalamidad – kalikasan man o man-made calamity – mahalagang maging handa tayong lahat upang makaiwas sa anumang panganib.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines