Balita

Coco at Yam, perfect combinatio­n

‘BAKIT NGAYON KA LANG’ ANG PEG

- –Reggee Bonoan

KUWENTO ng aming source, bagay na bagay sa personal sina Coco Martin at Yam Concepcion, parehong beautiful people.

Kung sabagay, pati televiewer­s, nagugustuh­an din ang tambalan nila. Kaya nga marami na rin ang followings ang ‘Coco Yam’love team dahil magaan panoorin at bagay na bagay talagang magkasama. Perfect combinatio­n, wika nga.

Kapag breaktime o bakanteng oras kasi sa set ng Ang Probinsyan­o ay namamasdan­g spy namin na kampanteng nagkakakuw­entuhan sina Coco at Yam. Pero naririnig nila na tungkol lang sa kung anu-anong bagay ang topic, hindi napaguusap­an ang tungkol sa kanilang love life. Trabaho lang walang personalan. Alam naman siyempre nila sa isa’t isa na may commitment na sila sa iba -- may boyfriend ang actress at may girlfriend ang aktor. Bagay sana pero ‘di na puwede. Sa istory ng serye, boto kami para kina Cardo Coco) at Lena (Yam), pero mas boto kami kung sina Coco at Julia Montes, di ba, Bossing DMB? Dahil ang tagal na nila, no. (Ang tagal nang ‘di umaamin? –DMB) Anyway base sa tumatakbon­g kuwento ngayon ng FPJ’s Ang Probinsyan­o ay nalalagay sa panganib ang buhay ni Cardo dahil kumalat na sa social media ang video na kasama niya ang rebeldeng grupong Pulang Araw nang sumugod sila sa isang grocery store.

Nagtagumpa­y si Director Hipolito ( John Arcilla) na sirain ang pangalan ni Cardo sa publiko nang ipakalat nito ang video.

Ngunit titindi pa ang panganib dahil mas lumalaki ang posibilida­d na masiwalat sa mga rebelde na miyembro ng Special Action Force si Cardo. Tiyak na ilalagay siya nito sa bingit ng kamatayan.

Sa kabila ng patuloy na operasyon ng mga kalaban, hindi basta- basta magpapatal­o si Cardo na nadiskubre na ang pagtatrayd­or ni Alakdan ( Jhong Hilario) sa grupo at ang makasarili­ng plano nitong angkinin ang pagiging pinuno ng Pulang Araw. Makakasama na rin nito si Anton ( Mark Lapid) sa pag-aklas na lalong magpapalag­anap ng kasamaan at kikitil ng mga inosenteng buhay.

Malusutan pa kaya ni Cardo ang mga kalaban? Paano niya matatalo sina Alakdan at Anton? Magtagumpa­y naman kaya si Director Hipolito na tapusin si Cardo?

Abangan ang FPJ’s Ang Probinsyan­o gabi-gabi sa primetime ng ABS-CBN.

 ??  ??
 ??  ?? Coco at Yam
Coco at Yam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines