Balita

Solenn at Anne, sabay magbubunti­s?

- Ni NORA CALDERON

LOVE na love ni Solenn Heussaff ang role niya bilang si Iris Lizeralde sa Alyas Robin Hood. Sino ba si Iris? “Mayamang inglesera si Iris, hindi siya maarte pero sanay siyang may umaalalay sa kanya, ulila at may kasamang yaya palagi,” kuwento ni Solenn. “She is good-hearted, kahit mag-isa na lang siya hindi niya ipinagbili ang house and lot nila in honor of her parents. Makikilala ko si Pepe ( Dingdong Dantes) minsang may humabol sa akin at tinulungan niya ako, nagkaroon ako ng kaso at siya ang kinuha kong lawyer. Hindi ko alam na siya rin si Alyas Robin Hood. Natuwa ako sa role ko dahil maraming English dialogue, akala ko mahihirapa­n akong magsalita ng Tagalog, pero dito puwede akong maglaro, it’s fun action. This is my first time to work with Dingdong pero nagkasama na kami in

Spooky Nights comedy-horror in 2012.” Nagpakita agad si Solenn ng sexy body niya sa unang gabi ng pagpasok niya sa action drama, nang bigla siyang bumaba ng sasakyan na naka-bikini lang at sa harap pa ng simbahan, kaya nagalit sa kanya ang parish priest.

Sa ngayon, wala pang eksenang magkasama sina Solenn at Andrea Torres. Biro niya, “Next week paastigan

at paseksihan kaming dalawa. Mati-threaten siya sa akin.” Ayaw i-preempt ni Solenn kung ano ang unang magiging eksena nila ni Andrea. Inamin niya na seven days a week siyang nagtatraba­ho kaya hindi niya namalayan na one year na silang married ng husband na si Nico Bolzico. Naging busy kasi siya sa Encantadia. Siya ang manager ni Nico kung may kumukuha rito for endorsemen­t, pero si Leo Dominguez daw ang manager nila kapag magkasama sila sa isang endorsemen­t. Wala pa silang balak na magkaanak, siguro raw after two years pa.

“Siguro, sabay kami ni Anne ( Curtis) na magbubunti­s, mas masaya ‘yon,” biro pa ni Solenn. “Malapit na silang ikasal ng brother ko, si Erwan, kaya p’wedeng magsabay kaming magbuntis. “

Sekreto ang petsa ng kasal nina Anne at Erwan, na tiyak dadaluhan ng immediate family at super-close friends nila. Maging ang venue ng kasal ay secret pa rin, kaya ayaw din itong i-reveal ni Solenn. Kahit sinabi ng mga kausap niya na off-the-record kaya hindi nila isusulat, hindi niya sinabi.

 ??  ??
 ??  ?? Solenn
Solenn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines