Balita

Planong ibalik sa China ang 48 bagon na hindi magamit ng MRT

-

LUMIHAM ang Department of Transporta­tion sa apat na internatio­nal certifiers upang suriin ang 48 bagong train coach para sa Metro Rail Transit (MRT) na binili ng Pilipinas mula sa China.

Ipinahayag ni Department of Transporta­tion Undersecre­tary for Rails Cesar Chavez na susuriin ng internatio­nal third party ang 48 Dalian train upang tukuyin kung ito ba ay ligtas na gamitin ng mga pasahero.

Aabutin ng tatlong buwan ang proseso. Sa oras na malaman ng internatio­nal third party na ang mga bagon ay hindi tugma sa signaling system ng mga tren na kasalukuya­ng ginagamit sa MRT, ibabalik ng kagawaran sa China ang mga nasabing bagon.

“If they say these are not operationa­lly reliable, we will return it to China without spending any amount. Our option is to return these to China and have them fix it,” ani Chavez.

Bukod sa signaling system, mayroon ding problema sa mga gulong ng mga bagong tren dahil ang mga ito ay mas malaki ang sukat kaysa riles ng MRT. Nagkakahal­aga ng P3.8 bilyon ang 48 Dalian train. Nakapagbay­ad na ang Pilipinas ng P800 milyon sa gobyerno ng China. Sinabi ng Department of Transporta­tion na hindi hihingi ng refund ang gobyerno ng Pilipinas sa naturang halaga, subalit igigiit sa China na ayusin ang mga tren upang magamit pa rin sa MRT.

Dumating ang mga bagon sa Pilipinas noong 2015. Gayunman, matapos ang dalawang taon ay hindi pa rin nagagamit ng milyun-milyong pasahero ng MRT ang mga ito.

Nitong Miyerkules, anim na beses na nagkaprobl­ema sa operasyon ng MRT, na ikinasugat ng dalawang pasahero nang biglang tumigil ang tren.

Sa pagdinig sa Senado hinggil sa panukalang budget ng Department of Transporta­tion para sa 2018, sinabi ni Senator Grace Poe na ang mga opisyal na responsabl­e sa pagbili ng mga naturang tren ay nararapat na managot sa korte.

Nagpaplano ang Department of Transporta­tion na ibalik ang Dalian trains sa China bago matapos ang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines