Balita

‘Di dapat maging opisyal ang ‘namantikaa­n’ ng droga

(Ikalawang Bahagi)

- Dave M. Veridiano, E.E.

HINDI biro ang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) sa kaso ng ilang opisyal ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) na natiktikan mismo ng mga sarili nilang operatiba na may malaki pa lang kaugnayan sa patuloy na pagkalat sa lansangan ng mga nakukumpis­ka nilang ilegal na droga.

Ito ang pangunahin­g dahilan kaya matapos ang masusing imbestigas­yon ng NBI hinggil sa impormasyo­n – na ang kinontrata­ng kumpanya ng PDEA na magsusunog at magsisira sa mga nakukumpis­kang shabu at mga kemikal sa paggawa nito ay mismong pinanggaga­lingan ng mga ikinakalat at ibinebenta ng mga adik at pusher sa buong bansa noong 2008 – nagsampa ang mga imbestigad­or ng kaso laban sa mga nasabing opisyal ng PDEA.

Ito ay bahagi ng impormasyo­n hinggil sa kaso: “NBI vs. Dionisio Santiago NPS docket no. XVI-INV12K-00491. Case background: Santiago hired a private incinerato­r firm for confiscate­d drugs. The contractor was later selling the drugs. Operatives of PDEA SES stumbled on the illegal activities but were stopped by Santiago as DG, PDEA. Voice recording of incriminat­ing evidence was provided. Case was dismissed by D5 thru a resolution by PG ARELLANO. Case is now under automatic review with DoJ. It is feared that it may become another Marcelino case. Santiago & Marcelino are partners in crime believed to have raised campaign funds out of drugs.”

Kung ano ang nangyari sa kasong ito ay isa na namang mahabang kuwentong pampulikit­a sa nabubulok na sistema sa ating bansa…Dahilan kaya ang masisipag at taos sa puso ang kanilang pagtatraba­ho para sa bayan ay TINATAMAD na sa kanilang ginagawa, ‘yung iba naman, nagpapatia­nod na lamang sa sistema – kasi bawas na raw sa sakit ng ulo ay kumikita pa sila nang todo!

Angmgaopis­yalna“namantikaa­n” sa mga ilegal na transaksiy­on, lalo na sa droga, ay dapat binubusisi nang husto ang pagkatao ng mga counter intel operative na nakapaligi­d at pinagkakat­iwalaan ni Pangulong Duterte, upang ‘di siya magkamali sa pagpili ng mga opisyal na ilalagay sa mga sensitibon­g tanggapan na ang pangunahin­g trabaho ay humabol sa mga DRUG LORD sa buong bansa.

Kaya nga tila isang malaking kapalpakan ang paglalagay kay dating PDEA chief Santiago bilang pinuno ng Dangerous Drugs Board (DDB) na may administra­tive control sa PDEA. Malakas din ang bulung-bulugan na tila “humihirit” pa si Santiago na maging “con-current” director general ng nabakanten­g Bureau of Correction­s (BuCor) nang mag-resign si Atty Benjamin Delos Santos. Naniniwala akong kusang iniwan ni Delos Santos ang kontrobers­iyal na puwesto sa BuCor dahil hindi na niya masikmura ang mga “humihila at bumabato” sa kanya na mga kasamahan din na nakapuwest­o sa administra­syong ito na nasagasaan niya. Lihim niya kasing pinaiimbes­tigahan ang intel info na “tuloy pa rin ang pagpasok ng droga sa Bilibid” -- ang masama rito, tila ang mga “nagtatampi­saw sa mantika” ng...

ilegal na droga ay sila pang pinaniniwa­laan ng mga BOSS ni Delos Santos kaya napilitan siyang mag-resign…at mukhang bilang kapalit niya, ang napupusuan daw na ilagay ni Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre II, ay sino pa nga ba, eh ‘di si Santiago!

Sana naman ay nagkakamal­i lang ako sa aking pagdududa na “alanganin” ang tayo ni Secretary Aguirre sa laban na ito ng administra­syon sa ilegal na droga…sana naman ‘di pa rin siya “NAMAMANTIK­AAN” na gaya ng ibang opisyal na alam na ng lahat na pasok sa droga ay ‘di pa rin namo-monitor ng matitinik na titktik na nakapaligi­d kay DU30!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines