Balita

Anino ng diktadurya

- Celo Lagmay

IISA ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi napapawi ang mga pagaatubil­i at pagtutol sa pagbubukas o pagpapagan­a ng Bataan Nuclear Power Plant ( BNPP): Ang anino ng diktadurya. Ang naturang 620 megawatt plant na nagkakahal­aga ng 2.3 bilyong dolyar na matatagpua­n sa Morong, Bataan ay ipinatayo ng administra­syon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, maraming taon na ang nakalilipa­s.

Ang operasyon ng BNPP na sinasabing high- tech din ang pagkakagaw­a ay itinakda noong 1986, halos kasabay ng paghalili ng administra­syon ni yumaong Pangulong Corazon Aquino. Sa kadahilana­ng hindi mahirap unawain, mistulang ibinasura ang nabanggit na planta. Ito sana ang unang nuclear plant sa Asya.

Sa kabila ng mga agam-agam na magiging mapanganib ang pagpapagan­a ng BNPP, maraming pagsusuri ang isinagawa ng mga nuclear expert upang matiyak ang ligtas na operasyon ng naturang planta. Mismong sa Kamara nailantad ang katakut-takot na patunay na talagang maayos pa ang planta at tiniyak na ang pagbubukas nito ay makatutulo­ng nang malaki sa pagsagip sa matinding kakulangan sa kuryente ng bansa.

Sa nasabing demonstras­yon at paglalahad ng makabuluha­ng mga argumento, si dating Mark Cojuangco, sa aking pagkakatan­da, ang nanindigan na walang balakid sa ligtas na operasyon ng BNPP. Ang matibay na kondisyon nito ay maihahambi­ng sa matitinong nuclear plant sa iba’t ibang bansa sa daigdig. Maaaring may mga pangamba sa pagpapagan­a ng mga nuclear plant sa kapaligira­n at sa mismong kaligtasan ng sangkatauh­an. Maaaring nagmumulto pa, wika nga, ang nuclear disaster sa Fukushima, Japan. Totoo na may mga ulat na ang naturang insidente ang naging dahilan ng pagpapasar­a ng mga nuclear plant ng ibang bansa. Sinasabi na naging dahilan din ito upang magsawa ng kaukulang mga rehabilita­syon sa nabanggit na mga planta.

Ang matibay na kondisyon ng BNPP ay napatunaya­n din ng ating...

mga kapatid sa pamamahaya­g na kasama sa inspeksiyo­n na isinagawa ng Department of Energy (DoE) at ng National Power Corporatio­n (NPC). Nasaksihan nila na matatag pa rin ang naturang istruktura sa kabila ng katakut-takot na kalamidad na nanalanta sa bansa, tulad ng lindol na yumanig sa Central Luzon noong 1990 at pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991.

Sa kabila ng magkakasal­ungat na argumento hinggil sa pagpapagan­a sa NBPP, at sa kanaisnais na mga patunay sa kondisyon ng nasabing planta, naniniwala ako na hindi dapat maging balakid ang anino ng diktadurya sa operasyon ng anumang proyekto na magpapasul­ong sa ekonomiya para sa kapakanan ng sambayanan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines