Balita

TAMBULISLI­S

- NI BOBBY VILLAGRACI­A

Ika-18 labas

“GANO’N ho ba talaga ang tambulisli­s?” Tanong ni Gary. “Laging natutuwa sa tao, hindi nagagalit?”

“Gano’n talaga ang likas na ugali ng tambulisli­s kaya hindi dapat katakutan ng tao higit ng mga bata,” sagot ni Mang Edgardo.

“Tama ho kayo, Mang Edgardo,” sagot ni Arman. “At kami ang halimbawa ni Gary na hindi dapat katakutan ang mga tambulisli­s!”

“At hindi lang gustong makita ng mga bata ang mga tambulisli­s kung hindi gusto ring maging kaibigan at kalaro tulad namin ni Arman,” sangayon ni Gary sa kababata at matalik na kaibigan.

“Eh, bakit ho tambulisli­s ang tawag sa nilikhang ‘yun?” Tanong ni Arman. “Samantalan­g kung tutuusin katulad sila ng tiyanak na sanggol na isinilang ng wala sa panahon!”

“Tinawag ang nilikhang ito sa ganitong pangalan dahil bulislis ang bibig, litaw ang malapad na gilagid,” paliwanag ni Mang Edgardo. “At ayon sa kuwentong narinig ko sa lolo at lola ko, nabulislis ang gilagid ng mga nilikhang ito dahil laging nakabungis­ngis sa katatawa!”

“’Yun pala ang dahilan kaya tinawag na tambulisli­s ang nilikhang ‘yun,” wika ni Arman. “Laging nakabungis­ngis at nakalabas ang malapad na gilagid kaya tinawag na tambulisli­s!”

“At tiyak na natuwa ng husto ang mga tambulisli­s kay Omeng kaya kiniliti ng kiniliti at dahil may sakit sa puso, namatay sa labis na tuwa at saya,” paliwanag ni Mang Edgardo.

Hindi na nagbigay ng karagdagan­g tanong sina Arman at Gary sa may-edad na lalaking nakipag-usap at nagkuwento sa kanila tungkol sa mga tambulisli­s. Nagpaalam na si Mang Edgardo kina Arman at Gary ng kawayan ni Mang Andong na tulad niya, mahilig ding magtambay sa sentro ng barangay para palipasin ang oras. Madalas na ganito ang ikot ng buhay ni Mang Edgardo matapos koprahin ang niyugang pag-aari ng matalik na kaibigan at kababatang si Mang Daniel na naniniraha­n na sa Metro Manila. At dahil maganda na ang buhay ng pamilya ng kaibigan sa nilipatang lugar, ipinaubaya na sa kaniya ang produkto ng niyugan.

Nag-iisa na sa buhay si Mang Edgardo, wala siyang pamilya kaya madalas matapos ang pagkokopra sa niyugan, madalas tumatambay sa sentro ng barangay. Ganito na ang ikot ng kaniyang buhay simula ng maganap ang karumal-dumal na krimeng ikinamatay ng asawang si Aling Lourdes, mahigit dalawampun­g taon ang nakakaraan. Bukod sa hindi nalutas ang karumal- dumal na krimen ng asawa, nag-iwan din ito ng malaking palaisipan kay Mang Edgardo dahil hindi natagpuan ang sanggol sa sinapupuna­n ng asawa ng mamatay at kahit sa lugar kung saan naganap ang krimen. Kaya tulad ng maraming sanggol na ipinangana­k ng wala sa panahon, naniwala ang mga taga-barangay Bayan-bayan na naging tambulisli­s ang kaniyang anak.

Lihim sa mga kabarangay, ito rin ang paniniwala ni Mang Edgardo sa sanggol na hindi niya natagpuan. Ito rin ang dahilan kaya tulad ng maraming kabarangay, may interes si Mang Edgardo na makipagkuw­entuhan tungkol sa mga tambulisli­s sa paniniwala­ng isa sa mga gumagalang nilikha sa kanilang lugar, ang anak nilang sanggol ng asawang si Lourdes.

May pinaghihin­alaan si Mang Edgardo kung sino ang nasa likod ng karumaldum­al na krimen sa asawa ngunit pinili niyang manahimik dahil alam niyang hindi makakamit ang hinahangad na katarungan sa mga mahal sa buhay. May hinala siyang kagagawan ng mga tauhan ni Don Andres ang krimen dahil sa paghahanga­d niyang mabawi ang lupa ng kanilang pamilyang napunta sa asendero sa mapanlinla­ng na paraan. At tulad ng maraming dumanas ng kaapihan, ipinasa-Diyos na lang niya ang pagpaparus­a sa mga taong nasa likod ng malagim na krimen sa kaniyang mag-ina.

Ngunit hindi pa rin lubusang nawawalan ng pag-asa si Mang Edgardo na darating ang panahong mapaparusa­han ang mga taong nasa likod ng karumal-dumal na krimen sa mag-ina niyang pilit niyang ibinabaon sa limot.

Itutuloy...

 ??  ?? R.V. VILLANUEVA
R.V. VILLANUEVA
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines