Balita

COC filing, gun ban next week na

- Mary Ann Santiago at Leslie Ann G. Aquino

Opisyal nang sisimulan sa susunod na linggo ang paghahain ng kandidatur­a para sa mga nais kumandidat­o sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 23, inihayag kahapon ng Commission on Elections (Comelec).

Batay sa Resolution No. 10196 ng Comelec en banc, itinakda ang paghahain ng certificat­e of candidacy (COC) simula sa Setyembre 23 hanggang Setyembre 30, ganap na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Tatanggap din ng COC ang mga lokal na tanggapan ng Comelec tuwing Sabado at Linggo.

Samantala, ilan lamang sina Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo sa mga hindi sakop ng gun ban kaugnay ng eleksiyon.

Inihayag kamakailan ng Comelec ang pagbabawal sa pagdadala o pagbibitbi­t ng baril o iba pang nakamamata­y na armas at ang pagtanggap ng mga security personnel o body guard, na magsisimul­a na rin sa Setyembre 23 at magtatagal hanggang sa Oktubre 30.

Sa Resolution No. 10197, sinabi ng Comelec na bukod sa pangulo at bise presidente, ang ilan sa mga hindi sakop ng gun ban sa election period ay ang mga senador at kongresist­a, mga miyembro ng gabinete, mga mahistrado ng Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganba­yan, at Court of Tax Appeals; mga hukom, Ombudsman at Deputy Ombudsman; chairman at commission­er ng Civil Service Commission, Commission on Audit, at Commission on Human Rights; security personnel ng Foreign Diplomatic Corps, Missions and Establishm­ents, at mga dayuhang military personnel na nasa Pilipinas.

Sa mga nais mag-apply para sa gun ban exemption, magtungo sa Comelec Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel sa Huwebes, Setyembre 21.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines