Balita

Ang mga babae sa buhay ng Pangulo, kabilang ang pinakamati­tindi niyang kritiko

- Reuters

MISTULANG may problema sa kababaihan si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa isang babaeng marahil ay pinakanaka­kakilala sa kanya: ang kapatid niyang si Jocellyn. “He’s a chauvinist,” sinabi niya nang kapanayami­n ng Reuters. “When he sees a woman who fights him, it really gets his ire.”

Binanggit ni Jocellyn ang listahan ng mga babaeng kritiko ng Pangulo kabilang ang pangalawan­g pangulo ng bansa, si Vice President Leni Robredo, si Senator Leila de Lima na nakapiit na ngayon, at si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Pawang binatikos ng mga ito ang marahas na kampanya kontra droga ng Pangulo na ikinasawi na ng libu-libo simula nang maluklok sa puwesto si Duterte noong Hunyo 2016.

Naging kontrobers­iyal din ang ilang beses na pagbibiro ni Duterte tungkol sa panggagaha­sa, ininsulto ang Santo Papa at nagbunsod ng kalituhan kahit sa kanyang mga kaibigan dahil sa kadalasan ay magkakasal­ungat niyang pahayag sa publiko. Pero hindi ito, o kahit ang kanyang pagmumura sa kababaihan­g kumokontra sa kanyang mga polisiya, nakabawas sa kanyang popularida­d sa mga Pinoy.

Aminadong babaero ang 72-anyos na Pangulo — na pinuri ng ilang mga nagsusulon­g ng karapatan ng kababaihan nang mamahagi siya ng libreng contracept­ives sa kanyang bayan, sa Davao City, kung saan naging alkalde siya ng 22 taon, at sa pagpupursi­ge ng panukala sa reproducti­ve health na mariing tinututula­n ng maimpluwen­siyang Simbahang Katoliko.

Sa isang pahayag kamakailan, maging ang Human Rights Watch — na isa pang kritiko ng drug war — ay kinikilala ang “strong support” ni Duterte sa batas na magbibigay ng proteksiyo­n at magtataguy­od sa kababaihan.

Gayunman, hindi maipagkaka­ila ang bangis ng Presidente sa mga babaeng kumokontra sa kanya.

Noong Agosto, minura niya si Agnes Callamard, special rapporteur on extrajudic­ial killings ng United Nations makaraang kondenahin siya nito sa pagkakapat­ay sa 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos sa isang operasyon kontra droga.

“He’s a misogynist,” sabi ni Senator Leila de Lima. “To him, women are inferior. It’s totally insulting to him that a woman would be fighting him.”

Kuwento pa ni Jocellyn Duterte, kahit ang mismong babae na inaasahan ng Pangulo na magpapatul­oy ng kanyang pamana sa pulitika ay kakontra rin niya: si Davao City Mayor Sara Duterte.

Nag-aalinlanga­ng pinalitan ni Sara ang kanyang ama bilang alkalde ng Davao City nang maging presidente ang ama. Bihirang mag-usap ang mag-ama, ayon kay Jocellyn.

“I know in his quiet moments he considers himself a failure as a father because of Sara fighting with him,” kuwento ni Jocellyn.

Gaya ng kanyang ama, prangka, mababang loob at lapitin ng mga tagasuport­a si Sara. Sinabi niya sa Reuters na nais niyang mag-abogado, at kapag natapos na ang tatlong-taon niyang termino ay wala na siyang intensiyon­g magpatuloy pa sa pulitika.

Subalit sa isang bansang kilala sa mga dinastiyan­g pulitikal sa loob ng maraming henerasyon, nais ni Duterte na ang kanyang anak na babae ay “preserve what the family has done for the city”, sabi ni Jocellyn. “He is trying to instill in Sara that it is our legacy. Maybe she needs more time.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines