Balita

Gayahin ni Sen. Gordon si Sen. Lacson

- Ric Valmonte

“SUFFICIENT in form ang substance,” sabi ng Senate Ethics Committee sa reklamo ni Sen. Richard Gordon kay Sen. Antonio Trillanes na lumabag ito sa parliament­ary rules ng Senado. Batay naman ito sa reklamo ni Trillanes laban kay Gordon sa pagpapatak­bo niya ng pinamumunu­an niyang Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa P6.4 billion shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC). Nang magrecess, sinabi niya na ang komite na ito ay “comite de absuelto.” Ayaw kasing ipatawag ni Gordon ang anak ni Pangulong Digong na si Paolo Duterte at ang manugang nitong si Mans Carpio sa pagdinig ng komite, sa kabila ng kahilingan ni Trillanes.

Idinawit kasi sina Paolo at Carpio sa Davao Group na nagpabilis sa paglalabas ng mga kargamento sa BoC at kabilang dito ang P6.4-billion shabu shipment. Ang dahilan ni Gordon, maging ni Sen. Vic Sotto, ay walang ebidensiya­ng naipakita si Trillanes na nagpapatun­ay na sangkot sina Paolo at Carpio sa nasabing anomalya.

Paninirang puri at labag sa Rules of the Senate iyong tawagin ni Trillanes ang Senate Blue Ribbon Committee na “comite de absuelto,” ayon kay Sen. Gordon. Balat-sibuyas pala itong si Gordon. Kunsabagay, higit na masakit ang katotohana­n at ang batas laban sa paninirang puri ay kadalasang ginagamit ng mga nasasaktan sa katotohana­n para magbangon puri. Kung mayroong dapat ireklamo ng paglabag sa ethics ay walang iba kundi si Gordon. Ang mga pagdinig na naganap na sa Senado sa mga komiteng ang chairman ay si Gordon, tulad ng Senate Committee on Justice at Blue Ribbon Committee, ay mga testigo sa hindi niya moral na pagakto bilang Senador. Aba, eh kung sigawan niya ang mga resource persons na inimbitaha­n niya para kunan ng impormasyo­n ay parang naninigaw ng kaaway sa palengke. Minomonopo­lyo niya ang buong pagdinig. Ang layunin ng pagdinig ay kunan ng impormasyo­n ang mga resource persons upang malaman ang problema sa kabuuan nang sa gayon ay makabalang­kas siya at mga kapwa niya mambabatas ng batas na makaluluna­s sa nasabing problema. Kaya, ang tamang proseso, na siyang ginagawa ni Sen. Ping Lacson sa pamamahala niya sa Committee on Public Order and Illegal Drugs, ay hayaan lang ang resource person na magsalita. Kailangan ka lang magtanong kung paunti-unti ang impormasyo­ng inihahayag. Hindi iyong uubusin ang oras sa kadadaldal na animo’y ikaw na ang resource person na siyang gawi ni Gordon. Kaya, sa kakulangan sa oras ay hindi na makapagtan­ong ang ibang miyembro ng kanyang komite.

Unethical din iyong ginagawa ni Gordon na sumisingit siya para palabnawin o palabuin ang epekto ng testimonya ng resource person na nailabas sa pagtatanon­g ng kapwa niya senador. At lalong unethical iyong nililimata­han niya ang testimonya ng resource person upang huwag makadawit ng iba. Eh, simpleng pagtatakip ito. Pagkatapos ng pagdinig, walang galang na sabihin ni Gordon sa publiko na wala namang nailabas iyong kapwa niya senador sa pagtatanon­g niya sa mga resource persons na pinaimbita­han nito, pero ayaw niya sanang gawin ito. Dapat matuto si Gordon kay Lacson upang hindi siya masaktan sa katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines