Janella, nawindang sa Twitter sermon ng ina

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni ADOR SALUTA

NAPAG-

USAPAN sa contract signing ni Janella Salvador sa Regal Entertainment ang tungkol sa hidwaan nila ng kanyang inang si Jenine Desiderio.

Nagsimula ang isyung ito sa post ni Jenine sa Twitter last July 19, na sabi nito’y may katigasan ang ulo ng anak. Ang dalawang simple at basic rules sa kanilang bahay ay hindi raw nito nasusunod.

Tuloy, larawan ng anak na may katigasan ang ulo ang naging tingin kay Janella ng ilang showbiz observers. Pero alumpihit si Janella na pag-usapan ito. “Stop na natin ‘yang ano... about my mom,” pakiusap ng teenstar. Umamin si Janella na ikinawindang niyang sa Twitter idinaan ng ina ang sama ng loob nito sa kanya. “Siyempre, lahat naman tayo nagulat,” aniya. “I’d rather not make a statement about it. Ayokong lumaki ‘yung... I don’t want to make this thing bigger, kasi I believe naman malapit na namang maging okay.”

Umaasa ang teenstar na magkakaayos din sila ng kanyang ina.

“Well, eventually, I believe everything will gonna be okay naman. Kasi, in the end, she is still my mother. Maaayos... maaayos,” may pag-asam niyang sabi. “In God’s time, maaayos siya.”

Hindi man tuwirang ikinuwento ni Janella ang dahilan ng kanilang away, aminado ang young actress na may hindi nga sila pagkakaintindihan ng ina. Tuloy nadadawit ang ka-love team niyang si

Elmo Magalona. Ang aktor ba ang dahilan ng sigalot nilang mag-ina? Hindi ba boto si Jenine kay Elmo para sa kanya?

“Hindi naman sa ayaw. I think ang problem lang talaga is… mothers are really protective when it comes to their children. So, whoever... kung sino man ang lumapit diyan, gusto niya i-make sure na worthy and all. She’s just being a mother and she really wants to know him or whoever man.” Paliwanag ng dalagita.

Si Elmo ba ang dahilan ng tampuhan nilang mag-ina?

“Hindi naman sa nagkatampuhan. Basta, we’re just going through normal things that a mother and daughter go through. Huwag na muna nating pagusapan ‘yung mom ko,” muling pakiusap ni Janella.

Jenine at Janella

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.