Balita

P21 dagdag- sahod sa Metro Manila

- Ni MINA NAVARRO

Mahigit anim na milyong manggagawa sa Metro Manila ang makatatang­gap ng P21 dagdagsaho­d sa susunod na buwan pagkatapos mapagkasun­duan ng Regional Tripartite Wage and Productivi­ty Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) na itaas ang P491 arawang sahod sa P512.

Inihayag ng wage board ang dagdag-sahod matapos ang ilang buwang public consultati­on sa mga mamumuhuna­n.

Una nang hiniling ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippine­s (ALU-TUCP) ang P184 wage increase mula sa umiiral na P491, upang makaagapay ang mga manggagawa sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Sa pagsubayba­y na ginawa ng ALU-TUCP, tinukoy ng Bangko Sentral ng Pilipinas ( BSP) at ng National Wage and Productivi­ty Commission ( NWPC) na ang purchasing power ng P491 ay bumaba sa P354.51 noong Hulyo 2017, o 27.79% ang ibinagsak.

Sinabi ng tagapagsal­ita ng ALUTUCP na si Alan Tanjusay na ang P21 umento ay nananatili­ng hindi sapat upang matugunan ang mga pangangail­angan ng mga minimumwag­ed worker upang makatakas sa kahirapan.

“The P21 increase in daily wage remains insufficie­nt for families to cope with rising prices of goods and increasing costs of goods. P21 is only 4.27% of the current P491. So it obviously did not lift workers out of poverty. Workers who helped built a high economic growth of 6.9% average Gross Domestic Product do not deserve this very small amount,” ani Tanjusay.

“We have no other choice but to come and ask President Duterte to grant our long-standing request to him to provide a P500 monthly CCT-like cash voucher subsidy to minimum- waged workers who helped build our high economic growth,” dagdag pa ni Tanjusay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines