Balita

Martial law anniv, idedeklara­ng holiday?

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Posibleng magdeklara si Pangulong Rodrigo ng Duterte ng suspensiyo­n ng klase at trabaho sa gobyerno sa Setyembre 21 dahil sa mga banta ng malawakang demonstras­yon.

Sa Huwebes ang ika-45 taon simula nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang martial law sa buong bansa noong Setyembre 1, 1972.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, magdedekla­ra si Duterte ng holiday kapag nagkaroon ng malawakang protesta ang mga makakaliwa­ng grupo.

“During my interactio­n with him early this week, sinabi niya na pagka magkaroon ng massive rallies sa Metro Manila and it might inconvenie­nce the public, para hindi ma-inconvenie­nce, sinabi niya, ‘ di ko na lang sila papasukin,” ani Lorenzana.

“[He] will declare na wala nang papasok sa mga opisina so they will have a free hand kung anong gagawin nila sa mga demonstrat­ion nila. That’s what he said.

“Hindi naman niya sinabi kung anong araw but since the left is threatenin­g to have this massive demonstrat­ion on the 21st, siguro ( maybe) it will be on the 21st. Pakikiramd­aman naman daw niya,” patuloy ni Lorenzana.

Sa Mindanao Hour/ Bangon Marawi press briefing kahapon ng umaga, sinabi rin ni Lorenzana na malabo na magkaroon ng malaking demonstras­yon na magtutulak sa Pangulo na palawakin ang martial law na idineklara niya sa Mindanao at sakupin na ang buong bansa.

Hindi siya naniniwala na may kakayahan ang mga makakaliwa na makapagdao­s ng malalaking demonstras­yon sa bansa.

Idiniin niya na walang nakikitang indikasyon ang Department of National Defense ( DND) ng malawakang demonstras­yon ng mga makakaliwa gaya noong panahon ni Marcos.

“We do not have those indication­s in our reports, even the civilian LGUs (local government units), wala naman silang nararamdam­an sa babae,” ani Lorenzana.

Sa panayam ng PTV- 4 noong Huwebes ng gabi, sinabi ni Duterte na magdedekla­ra siya ng holiday upang walang masaktan sa malawakang demonstras­yon.

“At this early, I am announcing that I am ordering a holiday para walang masaktan, walang ano kung may demonstrat­ion diyan, magkagulo,” ani Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines