Balita

John Melo, sa ‘Pinas magdiriwan­g ng 25th anniversar­y

- Ni REGGEE BONOAN

NAKA- CHAT namin sa Facebook at tumawag kalaunan ang dating sikat na mang-aawit noong 90s na si John Melo na sikat nang dentista sa San Francisco, California USA ngayon. Pero nagpo-produce din pala siya ng shows at kumakanta-kanta rin kapag naiimbitah­an.

Ang unang concert na prinodyus ni John ay ang series of shows nina

Sharon Cuneta at Ian Veneracion. Nakatakda naman ang concert nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Mitch Valdez at Nanette Inventor na may titulong Diva 2 Diva sa Chabot Performing Arts Center, Hayward CA USA sa Nobyembre 3. For tickets online, maari raw mag-log on sa https://www. jmeloenter­tainment.com/or call 415-747-7240.

Nakilala si John Melo sa awiting Hanap-Hanap Kita na sinulat ni Vehnee Saturno 25 years ago pero hanggang ngayon ay pinatutugt­og pa rin at available na rin Spotify at iTunes. Kaya sa madaling salita, natatandaa­n pa rin siya ng tao lalo na ‘yung fans niya na hindi pa rin bumibitiw sa kanya.

Ikinuwento ni John na kahit nakapagpun­dar na siya sa Amerika (may dalawa siyang clinic roon) ay hindi pa rin niya nakakalimu­tan ang industriya na una niyang minahal.

Nabanggit din niya na in two weeks’ time ay mapapaking­gan na sa Spotify at iTunes ang unang Christmas song niya na may titulong Malapit Na Ang Pasko.

Ngayong Nobyembre ang 25th year ni John simula nang pumasok sa showbiz. Plano niyang umuwi ng Oktubre para ipagdiwang ito kasama ang supporters niya na hindi pa rin siya nakakalimu­tan. Hanggang ngayon pala ay nakaka-chat niya ang mga ito, kinukumust­a siya, at tinatanong kung kailan siya magso-show sa Pilipinas.

 ??  ?? John Melo at pamilya
John Melo at pamilya
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines