Balita

Gabby, ‘di makapaniwa­la sa napanaluna­ng award sa Korea

- Ni NORA CALDERON

HINDI pa rin makapaniwa­la si Gabby

Concepcion sa tinanggap niyang Asian Star Prize trophy sa Seoul Internatio­nal Drama Award 2017 para sa pagganap niya bilang si Rome sa Ika-6 Na Utos na idinidirih­e ni Laurice Guillen.

Buong pagmamalak­i niyang pinakita ang kanyang trophy sa ilang entertainm­ent press sa pocket interview na ibinigay sa kanya ng GMA Network.

“Hindi ako makapaniwa­la nang nasa Korea na ako na ako lang pala ang nominated na actor sa Pilipinas,” sabi ni Gabby. “At lalong hindi ako makapaniwa­la na ako ang nanalo out of the 250 entries from different countries. I was able to rob elbows with actors from Afganistan, USA, Australia, Korea. Kaya nang bumalik ako rito sa bansa, nagpasalam­at ako sa lahat ng co-stars ko sa soap namin, kina

Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Angelika

dela Cruz, dahil hindi ko magagampan­an ang aking role without their support.”

Nang tanungin kung kailan na talaga matatapos ang kanilang top-rating drama series, hindi rin niya alam.

“Basta ako, go lang nang go kung anuman ang ipagagawa nila sa akin, lalo ngayon na nakakulong na ako dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa.”

First time ni Gabby na mag- sign ng network contract at two years ang pinirmahan niya sa GMA. Kaya ang bahay nila ng wife and two daughters nila sa San Francisco, naroon lamang, intact ang kanilang mga gamit, maging ang car niya na bigay ng kanyang kapatid pero baka raw flat na ang mga gulong.

Last year pa sila huling umuwi sa San Francisco. Hindi niya alam kung makauuwi sila this holiday season dahil nga marami siyang live shows na ginagawa bukod sa Ika-6 Na Utos.

May gagawin daw siyang pelikula na ididirihe nina Maryo J. delos Reyes at Laurice Guillen pero ayaw pa niyang sabihin kung sino ang producer at kung sinu- sino ang makakasama niya sa cast. He’s looking forward for this project dahil matagal-tagal na ring wala siyang ginagawang pelikula. Ang huli ay isang indie film with Christophe­r de Leon na guest appearance lamang siya.

May offer noon sa kanya na reunion movie nila ni Sharon Cuneta, bakit hindi niya tinanggap?

“Like what I’ve said noon pa, ayaw kong masira ako sa GMA na tatanggap ng trabaho sa ibang network, samantalan­g naka-contract ako sa kanila. Gusto kong maging loyal sa pinirmahan ko.”

 ??  ?? Gabby
Gabby

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines