Balita

Telethon para sa Hurricane Harvey, Irma relief lumikom ng $44M

-

LOS ANGELES (Reuters) – Ang celebrityp­acked telethon para sa mga biktima ng Hurricanes Harvey at Irma ay lumikom ng $44 milyon, pahayag ng organizers nitong Miyerkules, nang magsanib-puwersa ang mahigit 130 bituin kabilang sina George Clooney, Beyonce, Oprah Winfrey, Leonardo DiCaprio, Julia Roberts, Reese Witherspoo­n, Hillary Duff, Selena Gomez at Justin Bieber para umawit, sumagot sa mga tawag sa telepono, o manawagan ng donasyon.

Ang isang oras na Hand in Hand telethon, na napanood sa broadcast, cable at digital platforms noong Martes ng gabi, ay lumikom ng mahigit $14 milyon sa live broadcast.

Sinabi ng organizers nitong Miyerkules na umakyat ang kabuuang nalikom sa $ 44M pledges pagkatapos ng West Coast at iba pang rebroadcas­ts.

Sinalanta ng Irma, isa sa pinakamala­kas na bagyong dumaan sa Atlantic Ocean, ang ilang isla sa northern Caribbean, at pumatay ng 68 katao. Humagupit ito sa Florida Keys noong Linggo, na 90 porsiyento ng kabahayan ang pinaniniwa­lang nasira o nawasak.

Sa pamamagita­n ng taped message ay nagsalita si Beyonce, na kailangan ng agarang supplies sa kanyang bayan sa Houston dahil sa pagtama ng Harvey, ang pinakamala­kas na bagyong sumalanta sa Texas sa loob ng mahigit 50 taon, na ikinamatay ng mahigit 80 katao, mahigit 1 milyon ang lumikas at 203,000 kabahayan ang nawasak.

Sa show, sinabi ni Stephen Colbert na nagkaloob ang Apple Inc. ng $5 million, na biro ng komedyante, “is also the price of the new iPhone.”

Ipinalabas ang telethon mula New York, Nashville at Los Angeles, na binuksan ni

Stevie Wonder sa pamamagita­n ng pagawit ng Lean On Me, kasama ang isang gospel choir habang pumapalakp­ak ang mga bituing kinabibila­ngan nina Tom

Hanks, Barbra Streisand at Cher na nakaupo sa kanilang phone stations.

 ??  ?? Catherine, Ryan at Jamie
Catherine, Ryan at Jamie
 ??  ?? Tom at Rita
Tom at Rita
 ??  ?? Stevie at Oprah
Stevie at Oprah
 ??  ?? Justin
Justin
 ??  ?? Luis at Justin
Luis at Justin
 ??  ?? George at Julia
George at Julia
 ??  ?? Leonardo
Leonardo
 ??  ?? Beyonce
Beyonce
 ??  ?? Barbara
Barbara

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines