Balita

Rebel Wilson, ibibigay sa charity ang malaking defamation payout

- AFP

NANGAKO

ang Hollywood actor na si Rebel Wilson na ibibigay sa charity ang pinakamala­king defamation payout sa kasaysayan ng Australia, habang nagsusumik­ap na maipagpatu­loy ang karera pagkatapos ng “long, hard” battle.

Nagtagumpa­y ang 37- anyos na bituin ng

Pitch Perfect sa isinampang kaso laban sa Bauer Media kaugnay sa artikulo ng magazine na nagsasabin­g nagsinunga­ling siya tungkol sa kanyang edad at background upang maisulong ang kanyang acting career.

Nitong Miyerkules, iginawad ng hukom kay Rebel ang Aus$4.5 million ($3.6M) na bayad sa danyos ng Australian publisher – isang napakalaki­ng halaga, sabi ng kanyang mga abogado.

“I’m looking forward to helping out some great Australian charities and supporting the Oz film industry with the damages I’ve received,” tweet ni Rebel.

“Also looking forward to getting back to my career and entertaini­ng everyone!”

Nangatwira­n ang Bauer na totoo ang mga alegasyong lumabas sa Woman’s Day, Australian

Women’s Weekly at OK Magazine noong 2015 at itinanggi na dinungisan nila ang reputasyon ni Rebel. Ngunit sinabi ni Justice

John Dixon sa kanyang desisyon na, “( Bauer) acted in its own corporate interests to secure improved circulatio­n, or increased views/hits”.

“Justice Dixon has awarded me a record sum and I’m extremely grateful for that. It is four times the Australian record,” sabi ng tubong Sydney na si Rebel. “To me though, this case wasn’t about the money.” Sa loob ng tatlong linggong paglilitis, madalas na naging emosyonal si Rebel at sinabing natanggal siya sa DreamWorks animated feature films na Trolls at Kung Fu

Panda 3 nang lumabas ang mga artikulo. Nakatakda siyang magbida sa Pitch Perfect 3 ngayong taon, at sa remake ng comedy classic na Dirty Rotten Scoundrels.

 ??  ?? Rebel
Rebel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines