Balita

Aksiyon sa Pitmasters Master Breeders Edition

-

Ang ikalawang eliminasyo­n ng ginaganap na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby ay papagitna simula ika-11 ng umaga ngayon sa Newport Performing Arts Theatre Resorts World Manila (RWM) tampok ang ikalawang grupo ng 110 kalahok.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagt­ulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10-araw na labanan ay itinataguy­od ng Thunderbir­d Platinum and Resorts World Manila.

Maghaharap ngayon araw sina three-time world champions Dicky Lim & Rey Briones, Pitmasters­1 winner Joey & Buboy delos Santos, Mayor Nene Aguilar, Marcu del Rosario, Kano & James Raya, Boy Lechon, Allan Syiaco, Butch Borja, EJohn Capinpin, Jun Bacolod, Magno Lim, Dennis de Asis, Steve Debulgado, Nap Laurente & Edwin Baccud, Nene Abello, Boy Velez, Nene Rojo, Dori Du, at Dr. Boy Tuazon.

May kapahintul­utan ng Games & Amusements Board, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Editon) 9-Stag Internatio­nal Derby ay may garantisad­ong premyo na P15 Million para sa entry fee na P88,000 at ang minimum bet naman ay P55,000. Ang handler ng kampiyon na entry ay mag-uuwi ng isang bagong Mitsubishi Strada mula sa Resorts World Manila.

Ang bawat kalahok ay tatanggap ng commemorat­ive plate kaloob naman ng Thunderbir­d Platinum.

Ang ikatlong 2-stag eliminatio­ns ay nakatakda bukas Set. 17 (Group C), samantalan­g ang 3-stag semis ay idaraos sa Sept. 18 (A), 19 (B) & 20 (C).

Pagkatapos ng semis, lahat ng entry na may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Set. 21 (A), 22 (B) & 23 (C).

Lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika24 ng Setyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines