Balita

‘Yaman ang kaalaman’ – Ramirez

-

BINIGYANG diin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga national coach ang kahalagaha­n ng patuloy na pagaaral para mapataas ang kanilang kaalaman sa paghubog nang kompetitib­ong atleta.

“Para sa inyo ito (coaches). Kailangan ang patuloy na pag-aaral. Yung mga natutunan ninyo ‘yan naman ang pakikinaba­ngan ng mga atleta at mga bagong henerasyon ng coaches,” sambit ni Ramirez sa mga coach na lumahok sa Sports Science seminar ng Philippine Sports Institute (PSI).

“The PSC is all out in supporting your education to realize your dream of becoming a true champion coach,” aniya.

Ang dalawang araw na seminar/ lecture na nagtapos kahapon sa Multi-Purpose Center sa Philsports sa Pasig City ay itinaguyod ng PSI, sa pakikipagt­ambalan sa Korea Institute of Sports Science (KISS) at UNESCO.

Kabuuang 60 national coach mula sa iba’t ibang national sports associatio­n (NSA) ang nakilahok sa sports seminar na pinangasiw­aan ng senior officer at sports science researcher­s ng KISS.

Nakibahagi sa talakayan si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, kasabay ang pasasalama­t sa delegasyon ng KISS sa opening program ng Lecture Series II.

“Para sa inyo ito (coaches). Kailangan ang patuloy na pag-aaral. Yung mga natutunan ninyo ‘yan naman ang pakikinaba­ngan ng mga atleta at mga bagong henerasyon ng coaches,” sambit ni Ramirez.

Iginiit naman ni Dr. Yong KooNoh, KISS Senior Researcher, na handa ang kanilang ahensiya na makatulong sa Pilipinas, gayundin ang mapalawig ang ugnayan ng dalawang bansa para sa layuning mapataas ang kalidad ng sports competitiv­eness ng mga atleta.

Ang dalawang araw na sports science seminar na nagtapos kahapon ay tumuon sa Sports Physiology (lecture and practicum), Sports Psychology (lecture) at Sports Policy (lecture).

Ito ang ikalawang pagkakatao­n na nagsagawa ng seminar/lecture ang mga opisyal ng KISS. Nauna silang nagbigay ng edukasyon sa local coaches noong Disyembre 2016.

Kabilang sa KISS delegates sina Senior Researcher­s Dr. Noh at Hong-Sun Song; Researcher­s Hyun-Joo Cho at Seung-Hyun Hwang at Eon-Ho Kim, gayundin sina Directors Ik-Whan Kim at JooPhil Kim.

 ??  ?? IGINIIT ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga local coaches na pahalagaha­n at isapuso ang mga leksiyon na natutunan sa isinagawan­g coaches seminar ng Philippine Sports Commision (PSC), sa pamamagita­n ng Philippine Sports Institute (PSI) at...
IGINIIT ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga local coaches na pahalagaha­n at isapuso ang mga leksiyon na natutunan sa isinagawan­g coaches seminar ng Philippine Sports Commision (PSC), sa pamamagita­n ng Philippine Sports Institute (PSI) at...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines